• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino hinamon si Mocha Uson: 'Gusto mo ng kaaway? Ako!'

Kris Aquino hinamon si Mocha Uson: 'Gusto mo ng kaaway? Ako!'

Sinabi ni Kris Aquino na di na niya kayang palampasin ang pambabastos ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa kanyang ama at ina na sina Ninoy at Cory Aquino.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/6/2018 12:15 AM
Kris Aquino hinamon si Mocha Uson: 'Gusto mo ng kaaway? Ako!'


Photo credits: @krisaquino IG (left), @mochauson IG (right)

 

Halatang napuno na nga si Kris Aquino kay  Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil bukod sa buwelta niya dito gamit ang kanyang Instagram account ay nag-live pa si Kris sa kanyang Facebook at IG a few hours pagkatapos niyang mag-post ng reaksyon sa social media.

Ani Kris, “crossing the line” na ang ginawa ni Mocha at hindi na niya ito mapapalampas.

Nag-ugat ang lahat sa video post ni Mocha kung saan ikinumpara niya ang kiss ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa Korea sa ama niyang si Ninoy Aquino.

Ayon kay Kris, marami na siyang mga pinalampas sa ginawa ni Mocha na pambabalahura sa kanilang pamilya, pero itong huli tungkol sa father niya ay hindi na niya puwedeng dedmahin.

“Gusto ko lang pong magpasalamat, I have been reading your comments, I have been reading your words of support that you have been giving  me and I just wanna say thank you. Thank you from the bottom of my heart kasi it means a lot,” simulang pahayag ni Kris nang mag-live siya sa FB at IG.

Patuloy niya, “Alam nyo po na yung pinagdaanan ko pinag-isipan ko talaga. Pinag-isipan ko bago mag-upload kasi higante naman yung binangga ko, eh at inaamin ko yon. Pero naramdaman ko talaga na ang nangyari was mom ko yon, dad ko yon at winawalang hiya na masyado ang alaala nila.

“So, this was just Kris as a daughter. This was Kris reacting  and Kris opening up her heart to all of you… I cried, I really, really cried and I am stopping myself from crying now because turo ng mom dapat never show them that they hurt you. But yes, I was hurt,” bahagi ng kanyang sinabi.

"Eto, diretso po. Siguro may karapatan ako kasi ni minsan hindi ko binastos… wala akong binastos o masamang nasabi tungkol sa administrasyong Duterte. In fact, na-bash po ako ng mga dilawan nung nag-post ako ng picture namin at nung nagsabi ako na alam ko kung bakit siya nanalo. Hanggang ngayon hindi po ako nakikisawsaw sa pulitika.

“Pero yung ginawa mo, pinapangalan ko siya ngayon, ang tagal ko talagang tiniis na huwag siyang pangalanan but now pinapangalan ko si Asec Mocha Uson na sobra ka na, eh. Yung ginawa mo, ang mga sinaktan mo mahal na mahal ko.

 “And ganito na lang ha, diretsahan na, babae sa babae, gusto mo ng kaaway – ako. I’m ready anytime, anywhere, harapan. Gusto mong debate? Keri. Gusto mong gawin natin yung eksena don sa Star Cinema movie nina Angel Locsin, you wanna do that scene with me? You want na ako ikaw at ikaw si Angel? Gawin natin para matigil ka na lang.

 “Kasi  what you are doing to my parents, they do not deserve, okey. And people will tell me, why are you stooping down to her level, I’m doing this because I love my mom, I love my dad. And if I don’t do this now, I will hate myself. Ginagawa ko ‘to because I want my sons to see what I am willing to do for my mom and for my dad,” sabi pa ni Kris.

Muli ay hinamon ni Kris si Mocha at sinabing handa siyang harapin ito.

“I am ready for you and this is a direct challenge to you. Face me. Face me anywhere! Name the place. Let’s carry it live, bring all your followers, I can stand alone. But stop it. Stop doing these to two people who have never hurt you. Hindi ka nila binastos dahil patay na sila.

“So ako, balahura din ako, eh. Ganyan ang labanan, eh. Kailangan ka talagang lumaban.”

May paliwanag din si Kris tungkol sa paghalik ng dalawang babae sa kanyang tatay noon.

“Yung dalawang babaing yon nahalikan siya bago siya bumaba at bago siya na assassinate. Hindi mo alam yung sakit  na pinaramdam mo do’n sa post na yon kasi naisip ko sana nabigay yung karapatan na yon sa mom ko. My mom deserve that because my mom gave her entire life to my dad.

“Isa pa. Isa pa na bastusin at babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo!” babala pa niya kay Mocha.

Panoorin ang mensahe ni Kris para kay Asec. Mocha dito: