• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona on brother Frank Magalona's case: 'I'm here if he needs me'

Elmo Magalona on brother Frank Magalona's case: 'I'm here if he needs me'

Nagbigay reaksyon si Elmo Magalona matapos ang kinasasangkutan na isyu ng kapatid na si Frank.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/5/2018 3:43 PM
Elmo Magalona on brother Frank Magalona's case: 'I'm here if he needs me'


Photo credit to the owner (L)

 

Sa presscon ng movie na Walwal, di naiwasan ni Elmo Magalona na matanong sa kasong kinasasangkutan ng kanyang kuya na si Frank Magalona. 

Read: Frank Magalona arestado dahil sa pambabastos 

“I don’t really have any comments kasi I wasn’t there eh, pero he’s really doing something about it din naman,” pahayag ni Elmo.  

Nasasangkot man sa isyu, todo pa din daw ang suporta ni Elmo at ng kanyang pamilya kay Frank. 

“But at the end of the day he’s my brother and I love him, he has my support,” sabi ng aktor. 

"I’m just really here for my brother if he needs me,” dagdag pa nito. 

Aminado si Elmo na nalulungkot siya para sa kanyang kapatid.  

“Siyempre, wala naman tayong gusto marinig na ganyan pero yun lang po talaga ang masasabi ko.” 

Bilang kapatid sinigurado din ni Elmo na ibibigay niya ang kanyang suporta para sa kanyang kuya.

“Kahit ano pong support, words of advice or kung bakit siya na punta sa ganun o ganyan, Basta kung kailangan niya ako I’ll be there for him,” huling sagot ni Elmo.