Dessa, magpapakasal muli sa Amerika

Babalik sa US ang singer na si Dessa para sa kasal nila ng boyfriend na si Peter Joseph Accurso.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/5/2018 2:00 PM
Dessa, magpapakasal muli sa Amerika


Photo credit: @foreverdessa on IG

 

Best of both worlds para sa singer performer na si Dessa, bukod kasi sa trending birit performance nito sa ASAP, inihayag din ng singer ang kanyang nalalapit na kasal sa isang American based Engineer Boyfriend na si Peter Joseph Accurso

Dalawang taon na magkarelasyon sina Dessa at Peter at napapanahon na para ituloy na ang kanilang pag-iibigan sa kasalan.

As in I cannot ask for more. Hindi ko alam kung ano ang feeling pero masarap ang feeling masaya, sobrang saya,” bungad ng singer.  

Ngayong Linggo babalik ng US si Dessa para paghandaan ang kanyang kasal na magaganap sa Las Vegas ngayong June 30, kasama ang ilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Ipinakita din ni Dessa ang engagement ring na bihira niyanh isuot sa publiko 

 

 

Emote selfie lang hehehe. 😊😊😊♥♥♥

A post shared by Dessa Salazar (@foreverdessa) on

 

“Ito siya, sinusuot ko lang kapag may kasama ako. Kapag pumupunta ako ng Divisoria di ko yan sinusuot (laughs). Binigay niya sa ‘kin ito last year. Sa rooftop ng isang hotel sa Las Vegas kasi doon kami nag-New Year,” masayang kuwento ni Dessa. 

Divorced na si Dessa sa kanyang unang asawa at mayroong dalawang anak, ganun pa man suportado daw siya ng mga ito sa muli niyang pag papakasal.

Hindi ko kasi plinano ito, basta dumating lang kapag ganito ang nararamdaman ko, go na wala na patumpik-tumpik parang naka-move on na ako sa previous, sa dating relationship so hindi naman masama na maging maligaya ulit,” pahayag pa ni Dessa. 

Aminado si Dessa na walang sapat na salita para ilarawan ang kanyang kasiyahan sa nalalapit niyang pagpapakasal. 

This is unexplainable because I cannot explain it yung sobrang na o overwhelmed ako sa nararamdaman ko so ang sarap lang ng pakiramdam,” sabi pa niya. 

July 2 muling magbabalik Pilipinas si Dessa para harapin ang kanyang mga naiwan na showbiz commitments.