Air Supply, Pinuri ang Pinoy Stage Actors

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/5/2018 8:42 AM
Air Supply, Pinuri ang Pinoy Stage Actors


Photo credit to the owner

 

Isa-isang nagbigay patikim ang Pinoy cast members ng bagong musical na All out of Love ng kani-kanilang paboritong Air Supply songs.

Itatampok ang 17 hit songs ng Air Supply sa nasabing musical. Nataon naman na nasa bansa ang Air Supply members na sina Graham Russell at Russell Hitchcock kaya nandoon sila sa katatapos lang na media conference para sa musical. Nagkuwento na din sila kung paano sila napa-“oo” na gawing stage musical ang kanilang classic hits.

“Things take a long time especially with musicals. Naomi (Toohey, isa sa mga producers) came to me six years ago and suggested the idea. We’ve talked about it and it took this long I know. Everybody’s busy, we’re working all the time. We got together and we’re very glad this is happening now,” kuwento nila.

At dahil witness mismo ang Air Supply sa pagbirit ng cast sa kanilang mga hits, walang silang masabi kundi mahusay talaga ang Pinoy talents.

“We’ve met them today, they’re pretty good. I met Mig Ayesa in New York. I was doing a charity show in New York. I was singing popular songs and I was going to sing ‘All Out of Love’ and I met Mig backstage.”

Aminado naman ang Air Supply na kahit wala na sila, malamang ay ipapatugtog pa din ang kanilang hit songs gaya ng “All Out of Love”, “The One That You Love”, “Making Love Out of Nothing at All” at marami pang iba.

“It’s going to outlive me that’s for sure,” pahayag pa nila.

Dito sa Pilipinas unang mapapanuod ang stage musical ng All Out of Love sa darating na October 18 sa Newport Peforming Arts ng Resorts World Manila.