• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda aminadong sumubok makipagrelasyon sa babae para mapasaya ang ama

Vice Ganda aminadong sumubok makipagrelasyon sa babae para mapasaya ang ama

Bumuhos ang luha sa 7th anniversary celebration ng Gandang Gabi Vice.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/4/2018 6:51 PM
Vice Ganda aminadong sumubok makipagrelasyon sa babae para mapasaya ang ama


Photo credit: @praybeytbenjamin on IG

 

Puno ng emosyon si Vice Ganda sa 7th anniversary episode ng Gandang Gabi Vice nitong Linggo ng gabi (June 3). 

Sa isang bahagi ng bagong segment na “Tanong Mo, Mukha Mo” ipinakita ang mga malalapit na tao sa buhay ng Unkaboggable Superstar.

Kabilang dito ang larawan ng kanyang namayapang ama.

Siguro kung makakausap ko siya ngayon, ang itatatnong ko ‘Tay, ano po ang gusto niyo sabihin sa ‘kin?’ Kasi gusto ko malaman kung ano ang nasa isip niya. Kung ano ang nararamdaman niya.”

At kung nabubuhay pa daw ang kanyang ama, ibinahagi din ni Vice na handa siyang ipakilala dito ang kanyang unang naging girlfriend.

Kung may ipapakilala po ako sa tatay ko na dati kong minahal, yun po yung una kong girlfriend. Gusto kong ipakilala sa kanya yun para sabihin na sinubukan kong mag-girlfriend noong panahon na yun. Kung nabubuhay siya at nakikita niya ako, sinubukan kong mag-girlfriend kahit na hindi naman ako masyadong masaya doon kasi gusto ko siyang maging masaya. Kasi yun ang gusto niya,” madamdaming ikinuwento ng TV host. 

Kaya gusto kong ipakilala sa kanya yun kasi gusto ko sabihin na ‘Tay, ti-nry ko naman gawin ang gusto niyo’ Kasi gusto ko kayong mapasaya’ Pero bakla talaga ako,” dagdag ni Vice. 

Mapapanuod ang pagpapatuloy ng 7th year anniversary special ng Gandang Gabi Vice sa darating na June 10.