Regine Tolentino, may balak maging “J.Lo” ng Pilipinas?

Aminado si Regine Tolentino na idol niya noon pa lang ang Latin pop singer na si Jennifer Lopez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/4/2018 8:15 AM
Regine Tolentino, may balak maging “J.Lo” ng Pilipinas?


Photo credit: @jlo on IG

 

Natatawang inamin sa PUSH ni Regine Tolentino na isa sa kinatatakutan niyang gawin noon lalo na nung panahong kaka-launch lang niya bilang Star Circle Batch 1 member ay ang pagkanta.

“Na-traumatize ako nung panahon ng Star Circle Batch 1 kung naalala mo. Nag-voice lesson naman talaga ako before pero one lesson lang.

“Pinagtawanan ako ng teacher ko sa Ryan Cayabyab School of Music. Sabi ko, ‘Ayoko na.’ Kasi I can’t carry a tune because I did not have the confidence at saka the knowledge, wala akong alam how to sing talaga.

“So, sabi ko, singing is not for me, tinanggap ko na talaga yon,” pagre-recall pa ni Regine.

Hindi inakala ni Regine na after her 23 years in the showbiz industry ay matututunan din niyang kumanta at makakapag-record pa ng album.

“Before hindi talaga ako kumakanta, kahit sa karaoke, kahit sa kotse, nahihiya ako. And then ngayon, parang na-appreciate ko na yung pagkanta kasi nag-voice lesson na ako.

“Natutunan ko na how to engage my core and use my diaphragm and to project my voice,” kuwento niya.
Patuloy ni Regine, “Pero siyemre, my voice is still not very much developed. I’m still working on it everyday pero ngayon hindi na ako takot.

“I’m more observant kasi sa mga friends ko na mga singers and humihingi ako ng tips sa kanila and it’s been an amazing journey.

“Ngayon na na-discover ko na kaya ko palang kumanta, puwede na akong maging J-Lo. Ha-ha-ha. Yung sing and dance. Pero siyempre, hindi naman ako aabot ng ganung level but it’s just a dream of mine.”
Kaya na ba niyang bumirit?

“I try, yes. Pero pumipiyok pa rin ako siyempre, but as long as I do the exercises regularly, I think I’ll be able to improve. Basta ako, I worked really hard and I train everyday talaga.

“New endeavour talaga ito sa akin. Sing and dance na po ako ngayon. Kasi dream ko talagang maging total performer,” sagot niya.

Samantala, hanggang ngayon ay very vocal pa rin si Regine sa pag-idolo kay Jennifer Lopez.

“Idol ko si JLo. Siya yung cover photo ko sa cellphone. Everyday ko siya tinitingnan kasi yon ang gusto kong maging. Gusto ko siyang gayahin sa galing niya sa business, sa itsura niya, sa pagbihis niya, sa pag-perform niya. Idol ko siya in every way.

“Kaya pag sinasabing parang J-Lo ako, ‘Oh, my God, talaga?’ How I wish talaga na  maging J-Lo talaga ako.
 “I work out, kasi masipag din siyang mag-workout, eh. So, workout, make-up, hair, yung fitness and beauty regimen niya, tapos yung pag-perform niya on stage, very powerful siya. Super dance pa rin, super-outfit, outfitera siya,” masayang pagtatapos ni Regine sa PUSH.