• Home
  • Fresh Scoops
  • Myrtle Sarrosa is a superhero in her first starring film role

Myrtle Sarrosa is a superhero in her first starring film role

Myrtle Sarrosa will headline the movie “Wander Bra.”

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/4/2018 8:44 AM
Myrtle Sarrosa is a superhero in her first starring film role


Photo credit: @myrtlegail (R)/ @joventan8 (L) on IG

 

Ayon kay Myrtle Sarossa, big break niya sa showbiz ang pagbibida sa pelikulang Wander Bra na kasalukuyan niyang sinusyuting under the direction of Joven Tan.

Sobrang grateful daw siya na sa kanya ipinagkatiwala ang Wander Bra. Sa pelikula ay gagampanan ni Myrtle ang papel ng isang super hero na ayon sa kanya ay isa sa mga dream roles niya.

“Nagpapasalamat talaga ako kay Direk Joven kasi ako talaga ‘yung pinili niya for the role.

“Grateful talaga ako kay Direk Joven kasi isa ito sa mga parang first ko na for movies na leading for a major film,” kaswal na pahayag ni Myrtle nang dalawin siya ng ilang entertainmet press sa syuting ng Wander Bra.

Hindi na rin daw siya nagdalawang isip nang i-offer sa kanya ang pelikula. Napa-oo raw siya agad kahit pa nga magre-require siya na bra lang ang suot sa pelikula.

Aniya,  “Kasi sinabi ko talaga, pag superhero, go ako. Saka gusto ko talaga ang mga fantasy kahit dati pa and dream ko talaga na maging super-hero.”

Hindi raw naman magiging sobrang revealing ang costume niya sa Wander Bra. May pagka-conservative pa rin naman daw ito dahil kahit bra sa itaas ay may skirt and leggings naman daw ang pang-ibaba niya.

Nag-i-enjoy din daw siya sa shooting na lumilipad-lipad siya at naka-harness.

“Iba talaga ang experience kasi this time, super-hero ka, tapos may mga scenes na naka-harness, na nasa green screen, so, nag-e-enjoy talaga ako sa role ko ngayon,” masaya niyang kwento.

Biniro namin ang aktres kung kukumpentensyahin ba ng Wander Bra ang Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano at natawa siya.

“Ininuhan pa namin si Darna na mag-shoot,” natatawa niyang sabi.

 “Pero iba naman siya. Darna is an action-fantasy, ‘yung sa amin naman comedy-fantasy. Saka ‘yung costume ko, malayo sa Darna. Kulay-pink kaya naka-pink ako ngayon (pati swimsuit),” paliwanag niya.

 

Wander Bra, soon...

A post shared by Joven Tan (@joventan8) on

 

Kapareha ni Myrtle sa Wander Bra si Zeus Collins at kasama niya rin sina Cacai Bautista, Ahron Villena at marami pang iba.