• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino binigyan ng mamahaling Cartier necklace si Yaya Bincai

Kris Aquino binigyan ng mamahaling Cartier necklace si Yaya Bincai

Dahil birthday ng kanyang anak na si Josh, binigyan din ni Kris Aquino ang yaya nito na si Bincai.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/4/2018 5:29 PM
Kris Aquino binigyan ng mamahaling Cartier necklace si Yaya Bincai


Photo credit: @krisaquino on IG

 

Josh Aquino turned 23 years old today (June 4) at sa Japan (Ginza, Tokyo) ito nag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mom niyang si Kris Aquino at ang kapatid na si Bimby.

Umaalis ang mag-iina few days ago for a short vacation na parang birthday gift na rin niya sa panganay.

Anyway, isang vintage watch ang regalo ni Kris kay Josh. Pero damay ang Yaya Bincai niya sa generosity ni Kris dahil binigyan niya rin ito ng mamahaling kuwintas.

Sa mismong birthday ni Josh ay niregaluhan ni Kris si Yaya Bincai na 10 years nang nag-aalaga kay Josh ng Cartier necklace.

Tanda raw ito ng pasasalamat at sobrang appreciation pagiging loyal nito sa kanilang pamilya. Sa ipinadalang photo sa amin ng isang malapit kay Kris, suot na ni Yaya Bincai ang cartier necklace.

Si Yaya Bincai ay kapatid ni Yaya Gerbel at Yaya Raquel na nagsilbi din ng matagal na panahon sa pamilya ni Kris.

Post ni Kris sa kanyang Instagram account: “I couldn’t be the mom i am w/o my support system. @jacksalvador’s ninang who has lived here in 🇯🇵 for 22 yrs & has been our interpreter told me that a heart w/ a hole in the middle will never give a single woman lasting love according to a Japanese cultural belief- alam nyo naman ako mabilis ma-convince. I’ve had this @cartier necklace for several years- and double purpose na, to show Bincai our love & gratitude and to make sure she stays w/ us for many more years.”

"It was her discipline that made Kuya lose the 140 lbs & on her weekends off when Raquel calls her because my BP goes haywire or my allergies act up, she immediately cuts short her rest to take care of me. Thank you Bincai for really loving us.

 

i couldn’t be the mom i am w/o my support system. @jacksalvador’s ninang who has lived here in 🇯🇵 for 22 yrs & has been our interpreter told me that a heart w/ a hole in the middle will never give a single woman lasting love according to a Japanese cultural belief- alam nyo naman ako mabilis ma convince. I’ve had this @cartier necklace for several years- and double purpose na, to show Bincai our love & gratitude and to make sure she stays w/ us for many more years. It was her discipline that made Kuya lose the 140 lbs & on her weekends off when Raquel calls her because my BP goes haywire or my allergies act up, she immediately cuts short her rest to take care of me. Thank you Bincai for really loving us. ♥️♥️♥️

A post shared by KRIS (@krisaquino) on

 

Samantala, pag-uwi ng Pilipinas ni Kris ay babalik naman agad siya sa syuting ng I Love You, Hater kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ang I Love You, Hater ay comeback movie ni Kris sa Star Cinema at naka-schedule itong ipalabas on July 11.