Ex-Battalion, artista na din ngayon

Malaki ang pasasalamat ng rap group sa kanilang manager na si Ai-Ai Delas Alas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/4/2018 9:11 AM
Ex-Battalion, artista na din ngayon


Photo credit: @vivaartistsagency on IG

 

Kasama ang kanilang manager na si Ai-Ai Delas Alas, ibinalita ng Viva Artist Agency na ang Ex-Battalion ay magkakaroon ng isang collaboration sa kilalang film and talent agency.

Ayon kay Aiai, isang pelikula at music collaborations ang nakatakdang gawin ng Ex-B, na kanyang ipinagkatiwala sa VIVA Entertainment.

“Bilang ako yung manager nila, pinasok ko din sila sa Viva for upcoming endorsements and projects,” bungad ng Comedy Queen.

Dahil dito, labis naman ang pasasalamat ng Ex-Battalion sa patuloy na pagdating ng mga bagong proyekto sa kanila.

“Proud po kami kung saan po kami nakarating ngayon and sa mga nare-receive po namin, overwhelmed din po kami from support ng masa at mga listeners po naming,” sabi ng rap group.  

At bilang isang talent manager naman, aminado si Ai-Ai na nagagawa pa niyang i-manage ang pagiging pasaway ng kanyang mga alaga.

“Ang dami! Naku kanya-kanya, Day! Kanya kanyang pasaway pero siyempre iniisip ko mga boys to e, parang mga anak ko na lalaki lang, so kayang kaya ko naman i-handle. Pero ‘pag medyo sobrang pasaway na binabatukan ko lang sila ng konting konti,” natatawang pahayag ni Ai-Ai 

Makukulit man daw, pasasalamat naman ang sukli ng Ex-B kay comedy Queen dahil sa mga naitulong nito sa kanila.
“Sobrang blessed po namin, kasi tinutulungan na nga po kami ni Mommy Ai, nadagdagan pa ang tutulong sa amin dahil andyan na din ang Viva Artist Agency maraming salamat po,” pahayag pa ng grupo.