• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez on her mom: ‘Di ko na maibigay iyong oras na kaya kong ibigay sa kanya before’

Sue Ramirez on her mom: ‘Di ko na maibigay iyong oras na kaya kong ibigay sa kanya before’

Sue Ramirez, naiyak ng mapag-usapan ang kanyang ina

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/30/2018 9:12 AM
Sue Ramirez on her mom: ‘Di ko na maibigay iyong oras na kaya kong ibigay sa kanya before’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilang maiyak ni Sue Ramirez nang matanong siya tungkol sa kanyang ina. Ayon kay Sue, hindi na sila ganun kadalas magkita ng kanyang ina, dahil sa nagdesisyon siyang lumipat ng bahay last year dahil na rin sa demands ng trabaho. “Sobrang hirap po talaga sa akin nu'ng umalis ako sa bahay kasi di ko na maibigay iyong oras na kaya kong ibigay sa kanya before.” 

Sobrang close daw ni Sue sa kanyang ina na natutulog pa sila sa isang kwarto. Pero dahil sa tight taping schedule ay nami-miss na niya kahit mga tawag ng ina.

Pinipilit naman daw ni Sue bumawi sa pamamagitan ng pag-imbita sa ina sa condo niya sa Quezon City at sa pagdalaw niya dito kapag kaya niya.

Sinabi din ni Sue na hindi niya kahit kailanman kayang bayaran ang sakripisyo ng kanyang ina. “Lahat naman po tayong mga anak, kahit kailan hindi makakabawi sa mga magulang natin. Kahit ano pong gawin natin dahil buhay po ang ibinigay nila sa atin."