• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Alonte sa upcoming Kapamilya Playoffs: ‘50-50 sana makalaro ako’

Ronnie Alonte sa upcoming Kapamilya Playoffs: ‘50-50 sana makalaro ako’

Dahil sa injury, inamin din ni Ronnie Alonte na hirap din siya sa pagsasayaw.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/30/2018 10:03 AM
Ronnie Alonte sa upcoming Kapamilya Playoffs: ‘50-50 sana makalaro ako’


Photo credits: @hashtag_r2a IG

 

Labis na panghihinayang ang nararamdaman ngayon ng It’s Showtime Hashtags member na si Ronnie Alonte para sa nalalapit na Kapamilya Playoffs.

Ibinahagi ni Ronnie ang kanyang natamong injury habang naglalaro ng basketball.

“Yung left na tuhod ko medyo gumaspang ng kaunti dahil na-aksidente ako sa basketball na pinaglalaruan ko dati. ACL (anterior cruciate ligament) siya, may punit doon sa pinaka-support ng ligament cap ko. Tapos MCL (medial collateral ligament) ko yung side naman so dalawa yung injury na hini-heal ko,” bungad ni Ronnie.

Ayon kay Ronnie, depende pa sa lagay ng kanyang injured na tuhod kung makakasama siya sa inaabangan na Kapamilya Playoffs.

“E ang tanong nila sa akin kung makakapaglaro ba ako sa August 19, so ayun nga mayroon akong one and half months to prepare kung makakapaglaro ako.”

Aniya, labis ang kanyang panghihinayang kung hindi siya mapapabilang sa upcoming kapamilya event dahil sa kanyang injury.

“Sobrang nakakalungkot lalo na pag nag-training ako tapos nakikita ko na may bakal ang tuhod ko na may naka-suporta. Nakakalungkot.”

Aminado din si Ronnie na dahil sa kanyang injury ay apektado din ang kanyang trabaho.

“Hindi naman ako dati ganun, hindi na ako nakakasayaw. Ang daming trabaho ko ang naapektuhan and yung malaking event pa na kapamilya playoff baka ma-miss ko pa. Pero 50-50 sana makalaro ako.”