• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nagbigay reaksyon sa nagsabing PDA sila

Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nagbigay reaksyon sa nagsabing PDA sila

Ayon kay Loisa Andalio at Ronnie Alonte mas ine-enjoy nila ang kanilang oras sa tuwing sila ay magkasama.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/30/2018 9:59 AM
Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nagbigay reaksyon sa nagsabing PDA sila


Photo credits: @hashtag_r2a IG

 

Sweet at tila hindi mapaghiwalay ang rising tandem ng LoiNie na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte nang nakapanayam sila ng entertainment press sa isang kapamilya event.

Kuwento ni Loisa at Ronnie, all is well sa kanila ngayon at masaya sila dahil sa madalas silang magkasama.

 

Beh!

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

 

 

Ang akin habang buhay na 👸🏻👸🏻👸🏻

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

 

 

Maligayang kaarawan sayo! 👸🏻

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

 

“Kami-kaming dalawa? Okay naman, masaya kami. Walang problema, problema man tulog at pahinga pero ine-enjoy lang namin na lagi kami nagkikita at may [time] kami sa isa’t isa,” bungad ni Ronnie.

“Masaya naman, parang di kami nag-aaway kaya masaya ako dahil nag e-enjoy lang kami and iba pa din talaga pag magkasama,” sabi naman ni Loisa.

Dahil sobrang ka-sweetan ng LoiNie tandem, naglabasan naman ang ilang comment ng mga netizen na nagsasabing PDA (Public Display of Affection) daw sila. 

Pero para kay Loisa, normal lang daw ito sa kanilang dalawa.

“Sa akin kasi, wala naman akong paki dahil ba porke artista kami hindi na kami pwede maging sweet? E yung mga mag jowa nga diyan sa paligid ko mas malala pa e,” sabi ni Loisa.

Aniya, hindi sila affected da mga naglalabasan na balita at hate comments ng mga netizens.

“Dahil siguro kasi artista kami kaya ganun sila. Pero sa akin? Hindi ako naapektuhan kasi para sa akin normal na tao pa din kami. Kung paano man kami mag lambingan, yun yung nararamdaman namin e,” paliwanag ni Loisa.

“Yun ang mahirap sa buhay namin e, hindi kami puwede kumilos ng kakaiba kasi ang daming husga ng tao. Pero siguro kung ano yung nakikita nila sa aming dalawa nasa kanila na yun.”