Vice Ganda ibinahagi ang secret sa ‘hugis bigas face’

Priority daw ngayon ni Vice Ganda ang healthy lifestyle

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/3/2018 11:43 AM
Vice Ganda ibinahagi ang secret sa ‘hugis bigas face’


 

Aminado ang It’s Showtime host na si Vice Ganda na tinututukan niya ang kanyang kalusugan matapos siyang dumaan sa operasyon noong Pebrero.

Read: LOOK: Vice Ganda undergoes surgery to remove kidney stones

Dahil dito, mas healthy na daw ngayon ang kanyang lifestyle na isa sa secret ng kanyang hugis bigas face.

“Matino yung kinakain ko, hindi na ako kumakain ng may asin kaya nakikita nila sinasabi nila ‘pumapayat ka?’ Kasi nga ngayon maayos na ang pagkain ko,” pagmamalaking kuwento ni Vice.

Aniya, mas aware din daw siya ngayon sa kanyang mga kinakain.

“Dati kasi yung pagkain ko, lamon ako ng lamon! Lahat kinakain ko talaga. E ngayon lahat ng pagkain ko galing sa bahay. Tapos yung nagluluto sa akin bawal ang asin bawal ang anuman.

“Walang lasa ang pagkain ko, natanggap na ng dila ko yun na yung kaya kong kainin. Pag may kinakain ako na may lasa parang hindi ko kaya. Pag may konting alat ako natitikman hindi ko bet.”

Kahit tutok man daw siya ngayon sa sunod-sunod na trabaho, sinigurado daw ni Vice na hindi niya pinababayaan ang kanyang kalusugan.

“Ay hindi, kaya nga gusto kong itinutulog ko siya ngayon. Pero siyempre humaharap pa din naman ako. Hindi naman pwede yun, kailangan masaya lang ako palagi.”

Sa ngayon, abala si Vice sa mga pasabog na episodes ng ikapitong taon ng Gandang Gabi Vice na mapapanuod ngayong June 3.