• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Alonte, nag-react sa litrato nina Julia Barretto at Loisa Andalio

Ronnie Alonte, nag-react sa litrato nina Julia Barretto at Loisa Andalio

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

6/3/2018 10:04 AM
Ronnie Alonte, nag-react sa litrato nina Julia Barretto at Loisa Andalio


 

Marami ang natuwa nang malaman na nag-bonding sina Julia Barretto at Loisa Andalio at kaagad namang kumalat ang kanilang litrato online. Sa isang tweet ng netizen, sumagot ang rumored boyfriend ni Loisa na si Ronnie Alonte at sinabing, “Cool.”

 

Parehong nakatrabaho na ni Ronnie ang dalawang aktres, nagsama si Julia at Ronnie sa pelikulang Vince and Kath and James noong 2016 at sa teleseryeng A Love to Last sa sumunod na taon. Samantala, si Ronnie at Loisa naman at nag-guest na sa iba’t ibang talk shows at kamakailan ay naging mag-love team sa Wansapanataym: Gelli in a Bottle.