Sofia Andres ibinahagi ang pinagdaanan na karamdaman

Nilinaw din ni Sofia Andres ang tunay na dahilan ng kanyang biglaang pagkakaalis sa Bagani

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/29/2018 11:37 AM
Sofia Andres ibinahagi ang pinagdaanan na karamdaman


Photo credit: @iamsofiaandres on IG

 

Feeling better na ngayon ang kapamilya star na si Sofia Andres nang nakapanayam siya ng entertainment press sa RBeautified book launch ng top celebrity make up artist na si RB Chanco.

“I’ve been going to my therapist po for my anxiety because I’ve been dealing with anxiety. Pero now I’m better, I’m doing a lot better, I chose to rest muna for a few months from showbiz, parang kasi yun ang nagco-cause sa akin minsan ng stress,” bungad ni Sofia.

Aniya, mas maayos na siya ngayon matapos ang naging pamamahinga sa showbiz. Nasa plano pa din niya ang bumalik sa showbiz.

“Gusto ko po pag bumalik ako sa harap ng camera ng showbiz, I’m so ready to face (everyone).”

Aminado si Sofia na naging malaking factor sa pagkakaroon niya ng Anxiety ang pagka-stress ng trabaho.

“Yung trabaho, people around you, tapos yung process yung laging puyat. I worry kasi a lot of times e, parang I think in advanced which is not helping me. [Overthinking?] yes parang ganun I’m an over thinker talaga.”

Sa kanyang papahinga, marami daw siyang na realize sa kanyang sarili.

“I want to go back of course madami akong natutunan about myself. Kasama yan sa buhay e and you have to deal with it, challenge yun and it make you stronger.”

Samantala, nilinaw din ni Sofia ang tunay na dahilan ng biglang pagkawala ng kanyang karakter bilang isang Bagani.

 

 

Mayari

A post shared by Sofia Alejandre (@iamsofiaandres) on

 

 

A post shared by Sofia Alejandre (@iamsofiaandres) on

 

“No.. Ganito po yan, kasi yung Bagani from the very start I know I’m going to die. Yes, in-explain na po yan sa akin. Tapos siguro sumabay lang yan na may bad attitude ganito ganyan kaya natanggal.

“Ayaw ko na naman mag-tweet (to explain) about it. Hayaan niyo na yun na yung nangyari e. People will judge you every time, Malay mo bumalik di ba?” sabi pa ni Sofia.

Isang movie project din daw ang nakatakdang gawin ni Sofia.

“Next month I’ll be working na. I have a movie and guesting also kasi I signed e so hindi pwede na I’m not working. Na-miss ko yung camera in front of me (Laugh) I miss acting also, pero gusto ko bumalik pag talagang ready na talaga ako.”