• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla, magfo-focus muna sa sarili sa gitna ng mga usapang hiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria

Jolo Revilla, magfo-focus muna sa sarili sa gitna ng mga usapang hiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria

Marami daw natutunan si Jolo Revilla kay Jodi Sta. Maria.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/29/2018 11:07 AM
Jolo Revilla, magfo-focus muna sa sarili sa gitna ng mga usapang hiwalay na sila ni Jodi Sta. Maria


Photo credit: @jodistamaria on IG (R) @jolo_revilla on IG (L)

 

Nakausap ng PUSH si Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa isang very intimate lunch at hindi naman siya nagdamot na sagutin ang isyung matagal nang nagsi-circulate tungkol sa hiwalayan nila ni Jodi Sta. Maria.

Sa simula ay pangiti-ngiti lang si Jolo at halata ng gustong iwasan ang topic. Pero ang maganda sa aktor, sinagot pa rin niya ang isyu kahit na matipid ang kanyang mga naging pahayag tungkol dito.

Kumusta ka na?

“Ayos naman… Getting there,” sagot ni Jolo sa amin.

Pero hindi na namin pina-explain sa kanya kung ano ang ibig sabihin niya ng “getting there.” Kung papunta na ba siya sa pagmo-move-on o sa pag-aayos ng problema nilang magkasintahan.

Follow-up question namin, “Kumusta naman ang lagay ng puso mo?”

 “Talagang tinatanong n’yo ako tungkol diyan,” balik-tanong niya sa amin.

“All I can say is that…”

Biglang natigilan si Jolo at hindi agad nakapagsalita. At tila nanggigilid din ang luha sa kanyang singkit na mga mata.

Patuloy niya, “ Ang masasabi ko, binigay niya sa akin… kumbaga, nilabas niya yung best sa akin. Wala akong masasabi tungkol sa kanya.”

Naging very responsible person din daw siya dahil kay Jodi.

“She made me a more responsible person… Mahal ko yon. Basta ’yon na lang, mahal ko ’yon,” sambit pa niya.

Walong taon ding tumagal ang relasyon nina Jolo at Jodi kaya marami ang nanghihinayang sa balitang nagkahiwalay na sila.

Unti-unti na ba siyang nakaka-move-on ngayon?

“That’s one step at a time. I’ll be focusing on myself first,” matipid niyang sagot sa amin.

Nagdurugo pa rin ba ang puso niya ngayon?

“Basta naniniwala ako na si Lord ang bahala kung saan kami humantong,” makahulugan niyang tinuran.

Samantala, ang 72 Hours ay kasama sa trilogy na pelikulang mapapanood mula sa Imus Productions na pinamagatang Tres. The other two stories in the film ay pinagbibidahan naman ng mga kapatid ni Jolo na sina Luigi at Bryan Revilla.

Sa 72 Hours ay sasabak sa aksyon si Jolo na ayon sa kanya ay eight years ago pa huling gumawa ng pelikula. Leading lady ni Jolo sa movie si Rhian Ramos at si Dondon Santos naman ang kanyang direktor.

Bukod sa 72 Hours ay gabi-gabi ring napapnood si Jolo sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan naman ni Coco Martin.