• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Robin Padilla, nag-react tungkol sa balitang hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

EXCLUSIVE: Robin Padilla, nag-react tungkol sa balitang hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla

Ayon kay Robin Padilla, iba’t iba ang mga paraan ng paghihiwalay.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/29/2018 11:21 AM
EXCLUSIVE: Robin Padilla, nag-react tungkol sa balitang hiwalayan nina Jodi Sta. Maria at Jolo Revilla


 

Magkasama sina Robin Padilla at Jodi Sta. Maria sa morning series ng ABS-CBN na Sana Dalawa Ang Puso. Robin plays the character of Leo while Jodi plays the dual roles of Lisa and Mona.

Kamakailan lang, may isyung lumabas tungkol sa personal na buhay ni Jodi—ang diumano’y paghihiwalay nila ng boyfriend na si Jolo Revilla—kaya hindi namin maiwasang tanungin ang co-actor niyang si Robin tungkol dito.

Malungkot ba si Jodi sa set ng Sana Dalawa Ang Puso?

“Hindi!” mabilis na sagot ni Robin sa tanong namin.

“Ako nga ang nagtanong niya, ‘Totoo ba yan, may nangyari bang ganyan?’ Kasi wala naman akong naramdaman sa set na may problema. Si Jodi kasi laging may joke yon, eh,” dagdag ng aktor.

Ayaw din daw niyang tanungin si Jodi sa isyu dahil masyado na itong personal.

“Hindi ko siya tinatanong sa ganyan kasi masyadong personal yan. Kay Patricia (kasama ni Jodi) ko lang tinanong, ‘Ano ba yon, totoo ba yang hiwalayan na yan. Ganun lang, kasi malaking balita. Wala naman akong nakikitang nagkaproblema kami.”

Eh, anong sagot sa kanya ni Patricia?

“Ngiti lang. Kapag nginitian ka ng tao, ibig sabihin non, ayaw niyang magsalita,” tugon niya.

Patuloy ni Robin, “Eh, wala naman kaming nakitang ganun kay Jodi para kami mag-panic lahat. Siguro, ano na rin si Jodi. Hindi na rin siya bata. Alam na din niyang i-handle yung mga ganyan.

“Kasi pambata lang yung dinidibdib yung mga ganyan… Pero ano ba, totoo ba talaga yan?” balik-tanong ng aktor sa amin.

Ayon pa kay Robin, iba’t iba raw talaga ang mga paraan ng paghihiwalay pero dapat matutunan ng sino man ang mag-move-on pagkatapos nito.

“Alam mo, ang buhay ng tao kanya-kanyang istorya yan. May taong naghihiwalay ng maganda. Hindi natin alam kung anong klaseng paghihiwalay nila, kung ano man yon.

“Basta ako, move on na lang. Kahit na sinong tao, hindi lang si Jodi. Ang pag-ibig, eh, ano yan, isang bagay na masarap dapat. Pag ang pag-ibig ay medyo malungkot na, kumain ka na lang ng tuna,” pabiro pa niyang pahayag.