• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin ipinaliwanag kung bakit niya hinalikan si Yassi Pressman

Coco Martin ipinaliwanag kung bakit niya hinalikan si Yassi Pressman

Kinilig ang mga fans ni Coco at Yassi sa isang viral photo kung saan nag-kiss ang dalawa ng wala sa harap ng camera.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

6/29/2018 8:05 AM
Coco Martin ipinaliwanag kung bakit niya hinalikan si Yassi Pressman


Image credit: mr.cocomartin IG (L) yassipressman IG (R)

 

Na-corner si Coco Martin ng press nang tanungin siya tungkol sa kumakalat na pictures kung saan hinalikan niya ang "FPJ's Ang Probinsyano" leading lady niya na si Yassi Pressman ng hindi naman eksena sa show.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa aktor, sinabi nito na beso-beso lang daw ang palitan nila ng halik ni Yassi.

LOOK: Yassi Pressman kisses Coco Martin

"Hindi naman kiss iyon, beso-beso lang iyon," paliwanag ni Coco.   

Sinabi rin ni Coco na normal lang sa kanila na mag-beso-beso kapag dumadating sa set ng show. Hindi naman daw sila nag-lips to lips na akala ng marami, lalo na ng fans nila ni Yassi.

Masaya naman daw si Coco sa feedback ng mga fans ni Cardo at Alyana, ang mga karakter na ginagampanan nila sa show. Gusto raw nila ipakita kung paano ma-iinlove muli ang dalawa.

"Gusto namin ipakita iyong tamang proseso kung paano sila magkakabalikan, o mahuhulog ulit iyong isa't-isa,"  sabi pa ni Coco.