• Home
  • Fresh Scoops
  • Arabelle Dela Cruz on Sarah Geronimo: ‘Isa po siya sa mga dahilan kung ba’t po nabuo yung pangarap ko’

Arabelle Dela Cruz on Sarah Geronimo: ‘Isa po siya sa mga dahilan kung ba’t po nabuo yung pangarap ko’

Arabelle Dela Cruz is a big fan of Sarah Geronimo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/29/2018 9:13 AM
Arabelle Dela Cruz on Sarah Geronimo: ‘Isa po siya sa mga dahilan kung ba’t po nabuo yung pangarap ko’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Tawag ng Tanghalan finalist Arabelle Dela Cruz na big fan siya ni Sarah Geronimo. “Yes po, magmula bata pa po ako. Siya po yung kinagisnan ko na singer na puro kanta niya yung kinakanta ko nung bata pa po ako.”

Sinabi rin ni Arabelle kung papaano niya iniiwasan na maging pareho ang istilo niya sa pagkanta sa istilo ni Sarah. “As a singer po, kailangan mo maging unique. Kailangan meron kang own style para po hindi ka po maicompare. Kung maicompare ka naman po, meron pa rin kayong pagkakaiba.”

Kung magkakaharap daw sila ni Sarah balang araw ang gusto niyang sabihin kay Sarah ay, “na siya po yung isa sa mga inspirasyon ko kung bakit gusto kong marating yung pong dapat na mararating ko and isa po siya sa mga dahilan kung ba’t po nabuo yung pangarap ko.”

Nakita na rin daw niya isang beses si Sarah at na-star struck siya. “Nababa po ako sa hagdan sa may lobby. Kasama ko po nun si Mommy. Napatigil po ako nun sa paglalakad tapos nanigas ako, tapos kalabit ako nang kalabit kay Mommy.”

Kuwento ni Arabelle, mommy niya ang lumapit kay Sarah para makapagpa-picture si Arabelle kasama ang idol niya.

Nang tanungin si Arabelle kung ano ang gusto niyang kanta kung sakaling makaka-duet niya si Sarah, sinabi nito na gusto niyang kantahin ang pinakaunang kanta ni Sarah na natutunan niya na ang “To Love You More.”