• Home
  • Fresh Scoops
  • Arabelle Dela Cruz, natulala sa pagkakahawig niya kay Isabela Vinzon

Arabelle Dela Cruz, natulala sa pagkakahawig niya kay Isabela Vinzon

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/29/2018 9:03 AM
Arabelle Dela Cruz, natulala sa pagkakahawig niya kay Isabela Vinzon


 

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-react si Tawag ng Tanghalan finalist Arabelle Dela Cruz sa sinasabing pagkakahawig niya kay The Voice Teens PH finalist Isabela Vinzon. “Natutuwa po ako pag pinagku-comapare po kaming dalawa kasi ang ganda-ganda po niya and super talented.”

Nakasabay na rin daw niya si Isabela sa elevator minsan. “Grabe po nun natulala po ako nung pumasok siya...nakatingin siya sa akin, hindi po ako makangiti kasi parang pareho. Parang may pagkahawig.”

Kuwento pa niya nakita na niya nun sa picture si Isabela at nakita na niya ang pagkakahawig nila nun. “Kahawig nga pero baka sa personal malayo.”

Willing din daw siyang makakwentuhan at makipag-collaborate kay Isabela.

Sinabi rin ni Isabela sa previous guesting nito sa TWBA na nagulat rin siya sa pagkakahawig nila ni Arabelle.