• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis, Kim Chiu, Coco Martin at Vice Ganda magbabanggaan sa MMFF 2018

Anne Curtis, Kim Chiu, Coco Martin at Vice Ganda magbabanggaan sa MMFF 2018

Nakabase ang naging desisyon ng pamunuan ng MMFF sa script na ipinirisinta ng mga film producers.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/29/2018 4:32 PM
Anne Curtis, Kim Chiu, Coco Martin at Vice Ganda magbabanggaan sa MMFF 2018


 

Opisyal nang inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang apat na pelikulang pasok sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakabase ang naging desisyon ng pamunuan ng MMFF sa script na ipinirisinta ng mga film producers.

Una na dito ang  Fantastica, The Princesses The Prince and The Perya na pagbibidahan ng Unkaboggable Star na si Vice Ganda by Viva Films and Star Cinema directed by Barry Gonzales.

Bagong combination naman ang aabangan this year sa tambalan nina Coco Martin at Vic Soto para sa Popoy en Jack: The Puliscredibles by Mzet, APT and CCM Productions. I-didirek din ni Coco ang nasabing pelikula.

Mapapanood din this year sina Kim Chiu, Jericho Rosales, Jessy Mendiola at Tom Rodriguez sa pelikulang Girl in The Orange Dress by Quantum and MJM films sa direksyon ni Jay Abello.

Balik MMFF this year ang It’s Showtime host na si Anne Curtis para sa kanyang pelikula na Aurora by Viva Films directed by Yam Laranas

Samanatala, ang natitirang apat na kalahok naman ay i-aanunsyo pagkatapos ng deadline ng submission sa darating na September 21, 2018.

August 31, 2018 naman ang last submission ng entry para sa short film category.