Sofia Andres: ‘I’m dating someone else’

Nasanay na din daw si Sofia Andres sa mga negative issues na ibinabato sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/28/2018 10:40 AM
Sofia Andres: ‘I’m dating someone else’


Photo credit: @iamsofiaandres on IG

 

Aminado ang kapamilya star na si Sofia Andres na she’s currently dating someone right now.

Ito ang naging pahayag ni Sofia ng nakapayam siya ng entertainment press sa isang kapamilya event.

“I’m dating someone else, but it’s dating lang naman. Because for me, my parents are also strict, [but] they want me to experience things din naman. Like, ‘You’re dating someone? Okay, but don’t rush things,’” sabi ni Sofia.

Aniya, naka-move on na siya from Diego Loyzaga.

“Tagal sumagot e ‘no? Pinagpawisan ako, ate. Move on na lang. It’s fine na e,” matipid na pahayag ni Sofia.

Mas pinili na lang din ni Sofia na manahimik nang hingin ang kanyang comment sa mga intriga na nakapalibot kay Diego.

“Honestly, I don’t see anything pa but Diego knows naman what to do, I mean I don’t care about his personal life. I don’t say something about his personal life on social media, Diego knows na what he did,” sabi pa ni Sofia.

Pagdating naman sa mga negative write ups kay Sofia, aminado ang young star na na immune na siya dito.

“Lagi naman po ganun, sanayan lang. Pag nakikita ko sila I just say ‘hi’ pero natatakot na nga ako e (Laughs).”

Sa ngayon, looking forward si Sofia sa kanyang pagbabalik sa isang pelikula at upcoming projects.