Kris Aquino posibleng magkaroon ng online talk show

Ipinaliwanag din ni Kris Aquino kung bakit malabo magkaroon siya ng talk show sa ABS-CBN sa ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/28/2018 9:39 AM
Kris Aquino posibleng magkaroon ng online talk show


Photo credit: Kris Aquino's FB

 

Sa tanong kay Kris Aquino ng entertainment press kung kailan talaga siya babalik sa ABS-CBN at magkakaroon ng show ay diretsahan niyang ipinaliwanag ang dahilan kung bakit malabo na itong matuloy.

Aniya, “Ganito lang kasimple kasi 'yon, I know the realities of life and I also know that their franchise is at stake.

“I'm being so honest, diretsahan na yan. Why would they risk it by giving me a show? Especially na kahit wala naman kaming issue ni Presidente (Duterte), hindi naman ako type ng mga supporters niya.

Ang pahayag na ito ni Kris ay binitiwan niya during the presscon of the movie I Love You, Hater na comeback film niya sa Star Cinema kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto. The film will be shown on July 11.

Nabanggit din ni Kris na sinabihan niya ang anak na si Bimby bago siya umatend ng presscon ng pelikula na pupunta lang sila sa ABSC-CBN para dumalaw.

“Sabi ko, ‘We're only visiting,’” kuwento pa ng Queen of all Media.

Kahit naman walang regular TV show ay napanatili pa rin ni Kris ang pagiging in demand product endorser. Pupuwede rin daw siyang makita ng mga nakaka-miss sa kanya online.

“They see me every night if they want to. I'm always online. And I have 53 brands supporting me. I would like to say thank you to them,” bulalas niya.

Patuloy ni Kris, “I'm also a businesswoman. Alam ko naman na hindi ako kukunin for this movie had I not proven myself on digital. The role of my character, as they said, the digital empress. They wanted that and I was able to give it to them because I'm the embodiment of that.

“Nagawa ko dahil ako yung nauna, dahil nga walang choice, kailangang gawin. But I was able to do it because big businesses supported me and I want to say thank you to them.

“Also, yung mga nasa likod (followers), kung wala namang nagtu-tweet, walang nagbu-view at walang nagse-share, hindi ako nakaupo rito ngayon.”

Posible bang magkakaroon siya ng online talk show?

“Yung hinihingi ninyo will happen much sooner than you expect. It will just be happening in all of those things you are holding right now (mobile phones),” sey pa niya.