• Home
  • Fresh Scoops
  • Kisses Delavin explains why she won’t answer if she feels any kilig with Donny Pangilinan

Kisses Delavin explains why she won’t answer if she feels any kilig with Donny Pangilinan

Kisses Delavin ayaw ‘ma-judge’ bilang babae

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/28/2018 10:34 AM
Kisses Delavin explains why she won’t answer if she feels any kilig with Donny Pangilinan


Photo credit: @donny (R)/ @kissesdelavin (L)

 

Sa Push Now Na, ayaw ni Kisses Delavin sagutin ang tanong kung kinikilig siya sa mga eksena nila ng ka-love team na si Donny Pangilinan. Anya, “Siguro kung wala ako sa showbiz sasagutin ko yan.”

Pagpapaliwanag ni Kisses, hiwalay dapat ang showbiz life mula sa real life. “Ito yung showbiz life, ito yung real life. Pag pinagsabay mo siya, paano na yung life mo? Paano yung reputation mo as a girl kung sasabihin mo na ay kinikilig ako sa co-actor ko.”

Mahuhusgahan daw kasi siya bilang babae kung sasagutin niya ang tanong. “Yung akin lang kaming mga babae, pag tanungin kami kung kinikilig kami sa isang guy, madya-judge kami kung sasabihin naming oo. Pero pag ang guy, tinanong kinikilig ka ba sa girl. Yung mga girls maku-kyutan... pero pag yung babae ang nagsabi, (sasabihin nila) ay yuck kinikilig siya ang landi.”

Ani Kisses, “So unfair. Pinaglalaban ko yung mga karapatan ng mga babae na hindi nakaka-speak for themselves. Kaya ako ito yung life ko. I prioritize my life better than showbiz life.”

Dagdag pa ni Kisses, “professional ako talaga, wala akong iniisip na crush-crush.”