• Home
  • Fresh Scoops
  • Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga on her naysayers: ‘Bahala kayo diyan’

Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga on her naysayers: ‘Bahala kayo diyan’

Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga tears up as she recalls being bashed by haters.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/28/2018 10:22 AM
Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga on her naysayers: ‘Bahala kayo diyan’


 

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi napigilan ni Jackque “Ate Girl” Gonzaga na maiyak nang maalala niya ang suportang binibigay ng pamilya niya sa kabila ng mga negatibong komentong natatanggap niya mula sa ibang tao. “Happy po sila basta masaya po ako. Kasi sabi nila hindi naman mabibili ng pera yung kasiyahan na nakikita nila sa akin. Lalo yung family po nandiyan lang po sila kasi sila lang yung puwede mong sabihan. Yung mapagkakatiwalaan mo sa lahat.” 

Saka naging emosyonal si Jackque at sinabi niya ang mga pamba-bash na natatanggap niya. “Yung sabihin po na dancer ka lang. Bakit daw pinipilit pasikatin, bakit ako yung nandun.” 

Patuloy na umiyak si Ate Girl habang kinukwento niya ang sakit ng pinagdaanan niya. “Yung mga ganun po minsan sabi ko ang bigat naman nito, di ko na nga lang basahin. Pag minsan pag nakikita ko na negative na yung sasabihin, exit ko na lang tapos pray na lang ako. Bahala kayo diyan.” 

Pero bakit kaya pinili ni Ate Girl na mag-stay na lumaban at wag magstay sa industria? “Kasi wala naman po akong tinatapakang tao. Ginagawa ko lang po yung trabaho ko. Kung hindi naman po nila nagugustuhan...pero parang mas marami naman po yung natutuwa. Parang positive naman po yung ginagawa ko.” 

Pagtatapos niya, “wala naman akong ginagawang masama, so kung hindi niyo gusto e di sorry. Kung gusto niyo, thank you.”