• Home
  • Fresh Scoops
  • Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga on Bela Padilla: ‘Lamang ko kay Bela yung dimples ko’

Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga on Bela Padilla: ‘Lamang ko kay Bela yung dimples ko’

Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga, totoong kinikilig sa mga banat ni Vice Ganda.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/28/2018 10:26 AM
Jackque ‘Ate Girl’ Gonzaga on Bela Padilla: ‘Lamang ko kay Bela yung dimples ko’


Photo credit: @bela on IG (R)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Jackque “Ate Girl” Gonzaga na may totoong kilig siyang nararamdaman sa love team nila ni Vice Ganda na ViceJack. “Sa akin po, opo Tito Boy kasi po yung babatuhan ka ng malupit na pick up line, na banat. Sobrang iba yung dating. Na parang hindi mo ine-expect na yun ang sasabihin na parang uy!” 

Off-cam daw ay maganda din ang samahan nila ni Vice. “Sobrang okay po kami. Nagkaka-text po kami. Nagtatanong ako sa kanya ng advice, tapos gina-guide niya po ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay ko. Generous siya sa lahat, sa knowledge, sa lahat po.” 

Nang tanungin naman kung ano ang lamang niya sa karibal niya sa puso ni Vice na si Bela Padilla, sinabi ni Ate Girl na, “Lamang ko kay Bela yung dimples ko. Kasi bawat usapan namin ni Vice, lumabas lang yung dimples ko, iba na yung dating e.” 

Dagdag pa niya patungkol kay Bela, “Kahit naman agawin niya, babalik at babalik pa rin sa akin yun.”