• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Joey Reyes, napabilib sa performance nina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada at Donny Pangilinan sa ‘Walwal’

Director Joey Reyes, napabilib sa performance nina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada at Donny Pangilinan sa ‘Walwal’

Director Joey Reyes, masaya sa kinalabasan ng ‘Walwal’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/28/2018 9:35 AM
Director Joey Reyes, napabilib sa performance nina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada at Donny Pangilinan sa ‘Walwal’


 

Very successful ang ginanap na red carpet premiere ng pelikulang Walwal nung June 26 na ginanap sa SM Megamall Cinema 7. Present ang apat na bida sa pelikula na binubuo nina Jerome Ponce, Donny Pangilinan, Elmo Magalona, at Kiko Estrada. Naroon din ang supporting cast.

Sa interbyu ng PUSH kay Direk Joey Reyes after the premiere showing ay inamin nitong very satisfied siya sa kinalabasan ng pelikula at sa performance ng mga bida niya.

“Alam mo yang apat na yan, matatalino yan. Kahit sa mga interview, ang tatalino ng mga batang yan. Kapag matalino yung artista mo, you won 80 percent of the battle. Kasi pag pinaliwanag mo, naintindihan agad nila,” ani Direk Joey.

Hindi rin daw siya binigyan ng problema sa set ng apat habang ginagawa ang Walwal.

“I’m happy because they are all good boys. Hindi nagbigay ng problema sa set. Actually, sabi ko nga, sa dinami-dami ng pelikulang ginawa ko, isa ito sa pelikula na nalungkot ako nung natapos dahil masaya yung set.

“Yang apat na yan kabarkada yung mga estudyante ko. Naging kaibigan na nila kasi nga magkakaedad. Na-realize ko, oo mga artista sila pero mga bata pa rin sila. Wala silang pinagkaiba don sa mga estudyante ko,” kuwent pa ng director.

Ayaw namang ikumpara ni Direk Joey ang Pare Ko na ginawa rin niya noon sa R.

“There’s no way to compare, eh. Maski yung mga problema na tinackle sa Walwal iba sa mga problema sa Pare Ko. The language is very different. Pare Ko was more of their lives outside school, walang school don.

“But here, deliberately, ginawa naming may school, because I want to show the importance of school in the lives of these kids,” paliwanag niya.

Totoo bang marami siyang tinanggal na eksena ng pagmumura ng apat na bida sa pelikula pumasa sa PG-13 rating?

“Hindi naman marami. Nagbura lang kami ng ilang mura which I understand naman. From the very start, ang basic fear ko noon is, ‘Syet, R-13 ito nung pinanood ko.’ The only way na gusto nilang i-PG-13 is ipaliwanag sa board (MTRCB) na ganun talagang magsalita ang mga bata ngayon.”

Hindi ba siya nahirapang paartehin na nagmumura sina Jerome, Donny, Elmo at Kiko sa mga eksena?

“Kay Donny, medyo. Kasi hindi siya ganun. Pero he’s an actor, at saka nung nakita kong umaarte na, sabi ko genetic ito, eh. Apo ito ni Imelda Ilanan, anak ni Maricel Laxa.

“Sa iba, hindi rin naman ako masyadong nahirapan dahil nung nagkasama-sama sila, magkakahawahan yan. Pinaka-comfortable mag ganyan, ay si Kiko kasi coño-coño siya, eh,” natatawa at huling pahayag ni Direk Joey sa PUSH.