Boy Abunda papasok na nga ba sa pulitika?

Aktibo ngayon si King of Talk Boy Abunda bilang isang advocate sa LGBTQIA community

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/28/2018 10:15 AM
Boy Abunda papasok na nga ba sa pulitika?


Photo credit: @twbaofficial on IG

 

Sa pagtatapos ng pride month celebration ngayon June, isang pagpupulong ang pinangunahan ng King of Talk na si Boy Abunda kasama ang ilang miyembro ng LGBTQIA community.

Dito, tinalakay ng kanyang grupo na B.A.R.C.O o The Boy Abunda Roundtable Conversations ang mga issues ng LGBTQIA.

“This is the Boy Abunda Roundtable Conversations. Ginagawa po namin ito, nangungunbida kami ng experts yung huli namin HIV awareness at harassment ito naman ay ano ba talaga ang ibig sabihin ng LGBTQIA.” 

Ayon kay Boy, hindi niya inaasahan ang supporta ng iba’t ibang sektor na sumasali sa kanilang diskurso.

“20 lang ang ininvite namin but I’m very happy dahil 40 ang dumating na mga millennials. I’ve been blessed with a wonderful life. Nais ko mag-mentor, mag-share ng kaalaman. Binigyan ako ng pagkakataon ng Panginoong Diyos na maka-afford makapag tayo ng ganitong klase na engagements para maraming bata or kung sino man tao ang naka akma sa topic ang lumawak ang kaalaman.” 

Paglilinaw naman ni Boy, walang intensyong politikal ang kanyang gingawang adbokasiya.

“Matagal na po namin ito ginagawa, I am not running for political office. I’m not running in 2019. This is not a political engagement. This is a personal initiative.”

Isa ang wish para sa LGBTQIA ang hiling ng King of Talk.

“Maraming salamat at nag uumpisa ng makinig nag-uumpisa ng yakapin ang diskurso ng LGBT. Ang dasal ko sabi ko nga sa opening statement ko wala na sana tumitindig at nagpapakilala na ako’y ‘I’m gay, I’m lesbian, I’m man and I am a  woman’,” sabi pa ni Boy