Joross Gamboa new look para sa bagong role sa TV

Isa si Joross sa new cast ng top rating primetime telerserye na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/27/2018 5:19 PM
Joross Gamboa new look para sa bagong role sa TV


Photo credit: @joross_gamboa (R)

 

Balbas sarado ngayon ang aktor na si Joross Gamboa ng nakapanayam ng entertainment press sa isang guest appearance nito sa Ormoc City, Leyte.

Paliwanag ni Joross na wala sa kanyang plano ang patagalin ang kanyang balbas at bigote na kanyang ginamit noon para sa isang pelikula. 

Aniya requirement na ito ngayon sa kanyang role bilang isa sa bagong cast ng top rating primetime telerserye na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Nagtuloy-tuloy, pumasok ako sa Ang Probinsyano na ganito ang look kaya kailangan ko panindigan dahil isa akong NPA doon,” bungad na kwento ni Joross. 

Aminado si Joross na may mga sakripisyo ang kanyang new look lalo na sa kanyang pamilya.

“Hindi ko ma-kiss ang baby ko, at yung misis ko ayaw ako kiss kasi dinner na, amoy breakfast pa rin ang bigote ko! Ha ha ha! Tsaka hindi nakakatusok kasi eh,” sabi ng actor.  

Sa kanyang role naman, kuwento ni Joross na kaiinisan ang kanyang role bilang si Tanggol.  

“Medyo iba ang timpla ng character ko dito na si Tanggol. Mas ano ako dito, medyo kontrabida, wala muna comedy. Natutuwa sila sa mga BTS (behind the scenes) namin na nagte-trending eh mga kalokohan sa set, so nababawi naman doon,” sabi ni Joross.