• Home
  • Fresh Scoops
  • Isabela Vinzon lauds Coco Martin: ‘Napaka-humble niya pa rin kahit busy siya.’

Isabela Vinzon lauds Coco Martin: ‘Napaka-humble niya pa rin kahit busy siya.’

Isabela Vinzon, kinuwento kung papaano siya napasama sa cast ng ‘Ang Probinsyano’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/27/2018 9:30 AM
Isabela Vinzon lauds Coco Martin: ‘Napaka-humble niya pa rin kahit busy siya.’


Photo credit: @mr.cocomartin on IG (L)

 

Sa Tonight with Boy Abunda, nagpapasalamat si The Voice Teen PH finalist Isabela Vinzon na kasama na siya ngayon sa cast ng phenomenal hit serye na Ang Probinsyano. Ginagampanan ni Isabela ang karakter ni Lorie na may gusto kay Cardo.

Kuwento niya ang tatay niyang si Roi Vinzon talaga ang gustong kunin ni Coco Martin. “First acting experience ko po ‘to. Kasi supposed to be yung Papa ko po talaga yung gustong kunin ni Direk Coco.”

Dagdag pa ni Isabela, “I’m still so thankful na naalala po ni Kuya Coco na nung sumali po ako ng The Voice. Kasi during breaktime nila nanunuod po sila ng The Voice. So yun po nabalitaan niya na sumali po yung anak ni Roi Vinzon sa isang competition. Noon pa po talaga niya ako kinuha, kaso nung time na yun wala pang role na maibibigay sa akin. Pinagdasal ko na kunin niya ako ulit.”

Masaya din daw ang set ng Ang Probinsyano at napakabait ng lahat lalo na si Coco. “Napakabait nila lahat, lalo na si Direk Coco. Being the director and creative of Ang Probinsyano, napakahirap saka bida ka pa dun pero yung pressure nasa ’yo e. Pero napaka-humble niya pa rin kahit busy siya, nakakausap niya kami isa-isa.”