Isabela Vinzon chooses Jeremy Glinoga over JM De Guzman

Isabela Vinzon on Jeremy Glinoga: ‘It was awkward after niya sabihin (na crush niya ako.)’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/27/2018 9:24 AM
Isabela Vinzon chooses Jeremy Glinoga over JM De Guzman


Photo credit: @theofficialjeremyg on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni The Voice Teens PH finalist Isabela Vinzon na hindi sinasadya ni Jeremy Glinoga na sabihing crush niya si Isabela noong na-interview ito ng host na si Boy Abunda noong August 2017. “Napa-‘yes’ na lang siya kasi hindi siya handa sa tanong. Pero yung sasabihin niya sana we’re very close friends. Until now we’re very close friends.” 

Matapos daw umamin si Jeremy sa TWBA, naging awkward ang mga bagay-bagay sa pagitan nila. “It was awkward after niya sabihin [na crush niya ako.]” Inamin din diumano ni Jeremy kay Isabella na, “yes yes hindi ako handa.” Dagdag pa ni Isabela, “yun nga nagkakaroon kami ng adjustments pagkatapos ng pangyayaring yun.”

Nang tanungin kung sa tingin niya may gusto sa kanya si Jeremy, ang sagot ng dalaga ay, “I can’t say.”

Tungkol naman kay JM De Guzman na nakikita sa mga photos na kausap minsan ni Isabela, “Napaka-concerned niya. Pag nagkikita kami sa mga rehearsals [for ASAP], siya yung makulit talaga. Aasarin ka niya ganun.” 

Sa tingin ba ni Isabela may gusto sa kanya si JM? Aniya, “No.”

Nang papiliin naman sa pagitan ni JM at Jeremy, pinili ni Isabela si Jeremy dahil ayon sa kanya, “magka-edad” kami. Kung magkakaroon din daw siya ng dream date ay pipiliin niyang makadate si Jeremy.