• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, ipinagtanggol si Liza Soberano sa nagsasabing hindi ito bagay maging Darna

Angel Locsin, ipinagtanggol si Liza Soberano sa nagsasabing hindi ito bagay maging Darna

Sinabi ng aktres na sana itigil na ang pag-kukumpara kay Liza Soberano sa kanya.

BY ANN MANHIT

FRESH SCOOPS

6/27/2018 8:06 AM
Angel Locsin, ipinagtanggol si Liza Soberano sa nagsasabing hindi ito bagay maging Darna


Photo credit: @therealangellocsin (L)/ @lizasoberano (R) on IG

 

Sa kanyang recent Instagram posts, ipinakita ni Angel Locsin ang pagsasanay niya para sa ilang action stunts sa isang bagong proyekto. Dito, hindi maiwasan ng ilang fans ng aktres na mag-comment na sana ay siya pa din ang gaganap sa role na Darna, na pinaghahandaan naman ngayon ni Liza Soberano. 

 

Day 2. @jfmasicampo #TheDoc #knife

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

Sabi ng isang fan, “Ikaw na lang po sana nag Darna ms @therealangellocsin kaya mo din pala mag-action ngayon sayang lang po yung pinalit pa sa yo, lampa pa wala pang napatunayan kahit sa Bagani ang lamya kumilos,” na mabilis naman sinagot ng aktres ng, “not true. she can do action scenes really well :) sana stop na to. Thanks.” 

Di man pinangalanan ng netizen ang artista na kanyang tinutukoy, nabanggit ang teleseryeng Bagani kung saan bida dito si Liza.

READ: Angel Locsin approves of Liza Soberano as the next Darna 

Sa isa pang comment, sinabi ni Angel na di siya nagsasanay para sa Darna.

 

Matatandaang tinangihan ni Angel ang role ng bagong Darna sa pelikula dahil sa sakit niya sa spine. Pinagbawalan si Angel ng kanyang mga doctor na gumawa ng extreme stunts na magiging delikado para sa kanyang likuran.
 
READ: Angel Locsin reveals health problem that caused her to back out from “Darna”