• Home
  • Fresh Scoops
  • Willie Nepomuceno considers concert with Nonoy Zuniga his “rebirth” after brain stroke

Willie Nepomuceno considers concert with Nonoy Zuniga his “rebirth” after brain stroke

Nawala ng halos dalawang taon sa showbiz si Willie Nep dahil sa isang brain stroke.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/26/2018 3:57 PM
Willie Nepomuceno considers concert with Nonoy Zuniga his “rebirth” after brain stroke


Photo credit to the owner (R)

 

May dahilan pala kung bakit pansamantalang nawala sa entertainment scene ang singer at magaling na  “president impersonator” na si Willie Nepomuceno. Sa presscon ng kanilang upcoming show ni Nonoy Zuniga titled "Music and Laughter" ay naikuwento niya kung bakit siya nagpahinga sa showbiz.

“Actually, I had a brain stroke, the cerebellum,” sabay turo sa kanyang batok.

“Yung parang kay FPJ, kaya lang hindi ako nagaya kay FPJ, eh. Hindi tumuloy, dahil mas malakas yung kanya, one time lang.

“Ako naman, na-dislocate yung eye sight ko, medyo nag-stagnant ng konti, pero luckily, wala namang tumabingi sa akin. Hindi naman ako napa-ralyze. But I was also in bed for about 1 and ½ to two years,”

“Ang tawag nila mild stroke, but if that’s mild, I don’t know what’s more than that,” napapailing na kuwento ni Willie.

Mabuti na nga lang daw at naka-surive siya sa matinding pinagdaanan.

Salaysay pa niya, “Grabe, kulang na talaga na sumigaw ako and say goodbye. So, nakaraos naman through constant therapy. Pinagtiyagaan ko, nakalusot naman.

“Kaya lang ngayon, ang nagba-bother sa akin yung eye sight ko. I have now a constant blurry vision at saka from time to time nahihilo ako. Pero nakakatayo na and looking forward to the show.”

Ayon pa sa kanya, parang second life at “rebirth” na rin ang nangyari sa kanya.

“Kumbaga, parang “rebirth” ko na rin to dahil second life ko… salamat, salamat. Life must go on, parang sa showbiz din na the show must go on.

“Ayoko na sanang (mag-show), magre-retire na rin sana ako dahil… but anyway, for so many years para akong ano, eh, yung talent waiting for a chance to be discovered.

“Eh, ang tagal-tagal ko na sa showbiz, so parang ayoko na. But yung call ng audience, na meron pa rin palang naniniwala, ibig sabihin may pagkakakitaan pa. Joke.”

Paano ba nabuo ang concept ng "Music and Laughter?"

“Biglaan lang, eh. We bumped into each other in the airport, nagkukwentuhan, but we flied different directions, different shows of our own.

“Eh, somebody thought of idea na bakit hindi kami magsama sa  show. Why not, so we did. And hopefull,  this wll be a successful one,” ani Willie.

Mag-i-impersonate din ba siya sa concert nila ni Nonoy? 

“I decided kasi not to, eh. And in fact, to veer away from politics muna. So yung tradisyon na nakikita niyo sa akin na political impression o satire, medyo hihiwalay muna ako for the meantime and go and try to reinvent myself,” pahayag niya sa PUSH.

Samantala, gaganapin ang "Music and Laughter" sa The Theatre ng Solaire on July 27. Producer ng concert ang Grand Leisure Corporation.