• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo, proud sa positive message ng bagong pelikula

Sarah Geronimo, proud sa positive message ng bagong pelikula

Sarah Geronimo, inaming challenging ang paganap sa karakter ng isang lola

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/26/2018 9:55 AM
Sarah Geronimo, proud sa positive message ng bagong pelikula


 

Sa ulat ng TV Patrol, proud si Sarah Geronimo sa positibong mensahe ng pelikulang 20 Again, Miss Granny kung saan gagampanan niya ang lead role ng isang lola na bumalik sa pagkabata. “Napakagandang istorya. Para po sa buong pamilya, sa mga nangangarap. Dedicated sa lahat ng mga mothers, pinapakita yung unconditional, yung fearless na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.”

Matagal na raw ang huling acting project ni Sarah kung kaya “medyo challenging” sa kanya ang pagiging Miss Granny. Dahil dito may tumutulong daw na acting coach kay Sarah. “Yung mga natitirang eksena, ito yung mga heavy scenes. Yung mga highlights po talaga. May tumutulong po sa akin na acting coach din dun. Siyempre, yung mga nuances ng a woman in her 70s, medyo iba yung galaw.” 

Kahit na challenging ang latest role para kay Sarah, enjoy naman daw siya sa set. Sang-ayon dito si James Reid na makakapareha niya sa pelikula. “It’s really fun to shoot.”

Makakasama rin ni Sarah at James si Xian Lim sa pelikula, na maganda rin ang feedback sa aktres. “She’s such a bubbly person, ang sarap niyang panuorin.”