Richard Gomez aminadong miss na miss na ang showbiz

Isang movie project ang nakatakda gawin ni Richard Gomez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/26/2018 11:11 AM
Richard Gomez aminadong miss na miss na ang showbiz


 

All smiles ang actor-politician na si Mayor Richard Gomez ng nakapanyam ito ng entertainment press sa naganap na Piña Festival sa Ormoc City, Leyte 

Kuwento ni Goma, miss na miss na niya ang masayang mundo ng showbiz na malayo sa kanyang ginagalawan ngayon bilang lingkod bayan ng Ormoc City, Leyte.

“Miss na miss ko na kayo, miss na miss ko na ang showbiz,” masayang bungad ni Goma.

Ayon kay Mayor Goma, isang movie project umano ang nakatakda niyang gawin.

“I had a meeting two weeks ago to do a movie, kinuwento sa akin yung movie. Sabi ko ‘tignan ko lang yung script basahin ko lang, and I will decide in the next three weeks,” sabi ni Goma.

Pagdating naman sa kanyang magiging leading lady, naging matipid naman si Goma sa pagbibigay detalye.

“Wala pa (leading lady) Hindi ko pa pwede sabihin (laughs) but it’s a family love story. Pero kung ako? Kahit sino, alam mo naman ako hindi ako mapili masyado,” sabi pa ni Goma.

Bukas din daw ang Ormoc City kung sakali na may interesado mag shoot na pelikula dito.

“Oo naman, very much open, An ytime. Maraming lugar dito, Lake Danao is here, Ormoc City is here, Kalanggaman Island is open, Oo pwede talaga.”

“Yun nga e, sinasabi ko nga doon sa na-present na script sa akin na movie, ‘tutal mayroon namang beach, sea, sabi ko Bakit hindi natin gawin dito sa Ormoc?’”

Sa muli gawa naman ng telerserye inamin ni Mayor Goma na hindi muna ito ang kanyang priority sa ngayon.

“Actually, ang laging sinasabi sa akin kung gusto ko gumawa ng soap (teleserye). Problema kasi as a Mayor, kailangan lagi akong nasa Ormoc, kailangan nandito ako,” aniya.

“As much na gusto ko gumawa ng soap, hindi ako makakaalis ng three time a week para mag-taping.”