• Home
  • Fresh Scoops
  • Juliana Gomez nilinaw ang real score sa kanila ni Marco Gallo

Juliana Gomez nilinaw ang real score sa kanila ni Marco Gallo

Ihibinahagi din ni Juliana Gomez ang dahilan kung bakit isinama niya si Marco Gallo sa prom.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/26/2018 11:06 AM
Juliana Gomez nilinaw ang real score sa kanila ni Marco Gallo


Photo credit: @marcogalloc (R) on IG

 

Nilinaw ng only daughter ni Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana Gomez ang real score sa kanila ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 teen finalist na si Marco Gallo.

Kuwento ni Juliana sa naging panayam ng entertainment press sa kanya sa Piña Festival sa Ormoc City, Leyte, magkaibigan lang daw sila ni Marco.

“He’s a really good friend of mine and I am grateful that I have a friend like him.”

Paglilinaw ni Juliana, kilala din daw ng kanyang celebrity parents si Marco bilang kanyang kaibigan.

“No, we are not dating. My family knows him well. My parents think he’s a very good influence but right now, we both have priorities and dating is not one of them,” sabi pa ni Juliana.

Ibinahagi din ni Juliana ang dahilan kung bakit si Marco ang kanyang napiling isama sa prom night kung saan nagsimulang ma-intriga ang kanilang pagkakaibigan.

“Hindi po, kasi hindi naman po nanligaw si Marco in the first place. We are really just friends. I took him to prom because he’s a guy friend of mine that I’m most comfortable with,” pahayag pa ni Juliana.