Juliana Gomez, open sa posibilidad na pumasok sa showbiz

Dream daw ni Juliana ang i-pursue ang acting career gaya ng sa kanyang ama na si Richard Gomez.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/25/2018 3:04 PM
Juliana Gomez, open sa posibilidad na pumasok sa showbiz


 

Sa pambibirang pagkakataon, nakapanayam ng entertainment press ang only daughter nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana na kasalukuyan ngayon nakabakasyon sa Ormoc City, Leyte.

 

 

Sa panayam na ito, ibinahagi ni Juliana ang kanyang saloobin sa kanyang napipintong pagpasok sa mundo ng showbiz gaya ng kanyang mga magulang.

I’m open with the possibilities, but right now my priority is really School and volleyball, tapusin ko muna ‘yun. But then it’s definitely on my mind,” aniya.

Kuwento pa ni Juliana, masaya siya sa mga nakukuhang positive comments tuwing nagpo-post siya sa kanyang social media accounts.

It flatters me po that people watches me and I’m not even acting, I’m not dancing and singing but you can ask me anything,” sabi nito. 

Ayon pa kay Juliana, all out support din daw ang kanyang parents na sina Richard at Lucy kung sakaling magdecide siya na pumasok sa showbiz.

 

 

Well I know I have their support so this gives me comfort,” sabi niya. 

Kung papipiliin naman daw kung ano ang kanyang gustong gawin sa pagpasok sa showbiz.

Siguro, acting po if ever,” ang sagot nito. 

Isa rin daw sa dream ni Juliana ang maka-eksena ang kanyang aktor na ama.

Siyempre my dad. Aside from my dad, siguro si Bea Alonzo. I love her. I love all her movies,” pahayag pa ni Juliana.