• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Robin Padilla, may kondisyon kay Mariel Rodriguez bago pinayagang bumalik sa ‘It’s Showtime’

Exclusive: Robin Padilla, may kondisyon kay Mariel Rodriguez bago pinayagang bumalik sa ‘It’s Showtime’

Alam ni Robin na ‘pinanganak na host’ ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

6/25/2018 8:05 AM
Exclusive: Robin Padilla, may kondisyon kay Mariel Rodriguez bago pinayagang bumalik sa ‘It’s Showtime’


Photo credit: @marieltpadilla (R) on IG

 

May kondisyon pala si Robin Padilla bago niya pinayagan ang asawang si Mariel Rodriguez na bumalik sa pagho-host ng noontime show na It’s Showtime sa ABS-CBN.

 Ani Robin nang makausap namin sa launch ng Brand Pilipinas, “Hindi ko talaga siya papayagan. Masyado nang masaya yung buhay namin tatlo (with daughter Isabella), kaya nga lagi kaming umaalis papuntang abroad.

“Eh, siyempre, nagtrabaho ako, nakikita ko din na … alam ko masaya siya na kasama yung anak ko, pero sa pagtulog siyempre nung anak ko meron din siyang … si Mariel din siya. May pangangailangan din siya bilang tao.

“Hindi lang naman sexual na ako ang magke-cater nun, kundi yung bilang tao siya, kung ano siya, di ba? Eh, host siya, eh. Talagang yung asawa ko pinanganak na host.”

Pinayagan ba niya agad si Mariel nung humingi itong permiso sa kanya na babalik na sa pagtatrabaho?

“Mahabang panliligaw yon. Niligawan ako ng asawa ko at nagpakipot ako sandali. Totoo, nanligaw talaga siya bago ako, ‘okey, sige,’” sagot ni Robin sa amin.

READ: Mariel Rodriguez ibinahagi ang challenges bilang isang mommy 

Patuloy ng aktor, “Kasi  kailangang siguraduhin yung bata. Kasi kailangang lahat ng ginawa niya sa bata, sabi ko, hindi puwedeng maramdaman ni Isabella na may kulang. Kasi ang dami niyang ginawa don sa anak namin, eh.

“Saka yung programa sa bata, ang dami niyang ginagawang home study at siya yung teacher.  Siyemre, bigla siyang mawawala, kaya naghanap pa siya ng mga teacher.

“Kinausap niya yung mama niya. Kinausap niya sina lolo’t lola, na lahat nung ginagawa niya, yung pagtuturo ng swimming sila muna yung gagawa.

“Nung nagawa niya lahat yon at naikabit ko na lahat ng video kasi gusto niya may video don sa lahat ng sulok ng bahay, nakikita niya yung bata, nare-report niya sa akin, pinapadala niya, ‘oh, eto na yung anak mo.’ Pumayag na ako, sige, go!

“May mga rules. Kapag tinanong ko kung kumusta na si Isabella? Maglalabas kaagad ng picture yon, ‘eto ang nangyari.’

Balak pa ba nilang sundan si Isabella?

“Wala. Wala. Kawawa naman si Mariel,” tugon agad ni Robin.

“Hindi naman siya pang ganun, eh. Hirap siyang magbuntis, eh. Hindi siya ano, yung paanakin na puwede mong anakan nang anakan.

“Si Mariel, ang daming ineksyon, ang daming problema. Saka okay na rin naman ako, ang dami ko ng anak. Saka kawawa talaga si Mariel.

“Akala ko nga nagkaroon ng sakit sa puso, eh. Tumaba dahil hindi gumagalaw. Hindi makapag-peform. Ha-ha-ha!” pabiro niyang pahayag.

Eh, kumusta naman ang pagteteleserye niya at pagiging isa sa mga leading man ni Jodi Sta. Maria sa Sana Dalawa Ang Puso?

“Sino naman ang hindi mag-i-enjoy kasama ang magagaling na artista don. Saka gusto ko yung aking genre ngayon, light lang.”