• Home
  • Fresh Scoops
  • TRENDING: Pakiusap ng TNVS driver na may Tourette Syndrome: ‘Wag naman po nila kaming tingnan sa negatibong bagay’

TRENDING: Pakiusap ng TNVS driver na may Tourette Syndrome: ‘Wag naman po nila kaming tingnan sa negatibong bagay’

Kilalanin ang TNVS driver na may Tourette Syndrome na si Marlon Fuentes.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/25/2018 7:38 AM
TRENDING: Pakiusap ng TNVS driver na may Tourette Syndrome: ‘Wag naman po nila kaming tingnan sa negatibong bagay’


 

Sa Rated K, viral ang balita tungkol sa TNVS driver na si Marlon Fuentes na may Tourette Syndrome. Ayon sa www.tourette.org, isa itong neurological disorder. Tinatawag din itong Tic Disorder dahil sa ang mga mayroong Tourette Syndrome, katulad ni Marlon, ay merong mga involuntary at repetitive movements o tics. Sa kaso ni Marlon, hindi niya mapigilan ang pagpikit-pikit at pagbaling ng kanyang ulo. 

Seven years old daw si Marlon nang magsimula ang mga sintomas niya. 

Nang tanungin naman kung papaano nagre-react ang mga pasahero niya, ayon kay Marlon, may mga natatakot, may mga nagtataka at yung iba naman ay pinalalakas pa ang loob niya. Hindi rin daw sagabal ang pagkakaroon ng Tourette sa pagmamaneho niya. “Hindi naman po, kasi kumbaga normal lang po sa akin yung ginagawa ko. Na kahit umiiling po akong ganyan, nakikita ko yung buong paligid ko.” 

Ayon pa kay Marlon, doble ingat siya sa pagmamaneho dahil ayaw niyang masisi ang kanyang kapansanan kung sakaling may mangyaring aksidente. Hindi pa rin siya nagkaroon kelanman ng aksidente at nakapagmaneho na rin siya hanggang Bicol. 

Paki-usap pa niya, “Wag naman po nila kaming tingnan sa negatibong bagay. May mga may Tourette din naman po na nagagampanan nila ang mga tungkulin nila…”