• Home
  • Fresh Scoops
  • JC De Vera on being a father: ‘Mas naging responsible ako in all aspects of my life’

JC De Vera on being a father: ‘Mas naging responsible ako in all aspects of my life’

Ibinahagi ng aktor ang mga pagbabago sa kanyang buhay ngayong isa na siyang ama.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/25/2018 7:57 AM
JC De Vera on being a father: ‘Mas naging responsible ako in all aspects of my life’


 

Isang buwan matapos mapabalita ang pagiging ama ng aktor na si JC De Vera, masayang ibinahagi ng aktor ang malaking pagbabago sa kanyang buhay.

READ: Confirmed: JC De Vera is now a father 

Sa exclusive interview ng ABS-CBN News kay JC, ikinuwento nito ang saya na ibinigay sa kanya ng kanyang two-month-old baby girl.

“Mas naging responsible ako in all aspects of my life. Mas naging compassionate ako kasi meron akong daughter na,” bungad ni JC.  

Ayon pa kay JC, mas inspirado at mas nagiging maingat din siya ngayon sa kanyang mga ginagawa para sa kanyang binubuong pamilya.  

“Lahat ng ginagawa ko is for them na, not anymore for me lang,” sambit ni JC. 

“Hindi lang puro trabaho na yung ginagawa ko. I now have my small family na kailangan kong buhayin. So ngayon mas naging dedicated talaga ako. Mas naging more energetic din dahil sa daughter ko,” sabi pa niya. 

Sa ngayon abala si JC sa hit primetime teleserye na Since I Found You at Banana Sundae tuwing weekend.

Isa din si Jc sa mga aabangan sa upcoming kapamilya telerserye na The General’s Daughter.