• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit naging emosyonal si Jobert Austria nang tanungin tungkol sa kanyang asawa?

Bakit naging emosyonal si Jobert Austria nang tanungin tungkol sa kanyang asawa?

Jobert Austria, ipinaliwanag ang mga rason kung bakit mahal na mahal niya ang kanyang asawa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/25/2018 7:43 AM
Bakit naging emosyonal si Jobert Austria nang tanungin tungkol sa kanyang asawa?


 

Sa Gandang Gabi Vice, sinabi ng komedyanteng si Jobert Austria na kung kagwapuhan ang pag-uusapan, binibigyan niya ang sarili niya ng grado na 5. 

“Kuntento na ako na napasagot ko uli yung asawa ko. Gwapo na ako nun,” paliwanag niya kay Vice.  

“Kami naman lagi, hindi ako binitawan nun,” paglilinaw pa ni Jobert.  

“Totoo naman di ba? Lahat naman ng mga lalaki na napatunayan niyo na mahal kayo ng mga girlfriend at asawa niyo, hindi kayo iniwan matutuwa kayo. Gwapo kayo nun,” sabi ng Banana Sundae star na parang maiiyak na.  

Gaano niya naman kaya kamahal ang asawa niyang si Chad? “Mahal na mahal ko. Mahal ko si Chad sobra… kaya kong mamatay para sa kanya. Ganun ko siya kamahal, kasi sinakripisyo niya rin yung buhay niya sa akin e. Sa mga kapatid niya, pinagtatakpan ka niya, pinagtatanggol ka niya kahit na alam niya na ganun ka. Hindi niya ako kinahiya, tapos bumalik siya sa akin,” sagot ni Jobert.