Pagiging kontrabida ang dream role ni Pia Wurtzbach

Gusto daw ni Pia Wurtzbach na maging isang kontrabida sa kanyang next movie project.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/23/2018 12:51 PM
Pagiging kontrabida ang dream role ni Pia Wurtzbach


Photo credit: @piawurtzbach (L) on IG

 

Matapos ang mga successful movie project ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach tulad ng Gandararappido The Revengers Squad at My Perfect You, ibinahagi ni Queen P ang kanyang next dream movie role.

“Gusto ko maging kontrabida,” pahayag niya sa naganap na product launch ng Aquafina mineral water kung saan siya ang brand ambassador. Hindi daw mahalaga ang susunod na role pero this time daw nais niya na maging isang kontrabida.

“(Laughs) Para maiba naman. I think that would be a challenge, kasi people see me as Miss Universe and maybe that would be nice to let them see the other side of me, siguro drama pwede,” masayang pahayag ni Pia.

Gaya ng ibang kontrabida, ready din kaya si Queen P na manampal?

“Ay, tignan natin, siguro kung si Direk Cathy (Garcia Molina) ang mag-push sa akin kaya.”