• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino to the rescue matapos maospital si Erich Gonzales

Kris Aquino to the rescue matapos maospital si Erich Gonzales

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/23/2018 4:27 PM
Kris Aquino to the rescue matapos maospital si Erich Gonzales


Photo credit: @krisaquino on IG

 

Pinatunayan naman ni Kris Aquino ang pagiging nanay-nanayan niya sa kanyang “panganay” na si Erich Gonzales matapos maospital ng aktres sa Bulacan habang nagsu-syuting para sa teleserye niyang The Blood Sisters. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng Queen of All Media na inatake ng “severe asthma” si Erich at papunta siya ngayon sa Bulacan upang sunduin ang aktres.

Patulog ako and saw naman my other “panganay”- sent me message, na ER in Bulacan while taping Blood Sisters. Severe asthma naman. I insisted for her to stay w/ us 1st para at least mabantayan ko silang sabay- Kuya & @erichgg. On my way to pick her up... Poor Dr. @ayenuguid will need to come again today for another housecall. #family #motherhood #myloves,” aniya.

 

Ginagampanan ni Erich ang role na triplets sa primetime bida teleserye.