Andi Eigenmann kay Jake Ejercito “I’m so Proud of Us”

Pinuri din ni Andi ang pagiging isang mabuting ama ni Jake sa kanilang anak.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/23/2018 12:58 PM
Andi Eigenmann kay Jake Ejercito “I’m so Proud of Us”


Photo credit: @unoemilio (R)/ @andieigengirl (L)

 

Sa pagbabalik limelight ng aktres na si Andi Eigenmann para sa pelikulang The Maid In London, hindi naiwasan na mapag-usapan ang kanyang naging relasyon niya kay Jake Ejercito.

Matatandaan na pinaligiran noon ng kontrobersya sa social media ang away-bati na relasyon ni Jake at Andi.

Kuwento ni Andi, masaya na sila ngayon na nalagpasan na nila ito para sa kanilang anak na si Ellie.

“Okay naman, we went through so much in the past, we were young. We have definitely grown past that and I can say that we really had good partnership and I’m so proud of us, sabi ni Andi.

Aniya, madalas din na nakakasama ni Ellie si Jake noong panahon nasa trabaho siya.

“If I’m not mistaken, most of the time she’s (Ellie) with my Nanay (Jacklyn Jose) and most of the time she’s with her dad (Jake Ejercito).”

Matatandaan din na pinuri ni Andi ang pagiging isang mabuting ama ni Jake.

Read:Andi Eigenmann, saludo kay Jake Ejercito bilang isang ama

“He’s actually with Ellie in Singapore right now because it’s Ellie’s graduation so I’m really excited for her,” pahayag pa ni Andi.