Vice Ganda naospital muli

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/22/2018 11:59 AM
Vice Ganda naospital muli
Photo credit: @thegloriousmakeup (R) on IG

 

Nagulantang ang mga fans ni Vice Ganda nang iupload ng kanyang makeup artist ang isang photo na nasa ospital ang komedyante. 

Ayon sa kaibigang malapit ni Vice na si Olive Zarate, sumakit ang tiyan ng It's Showtime host kaya ito biglaang naospital. Madidischarge na din daw ngayong araw si Vice at hahabol sa paghost sa noontime show. 


Matatandaang kailan lang ay nagleave si Vice dahil naoperahan siya dahil sa sakit sa bato.