• Home
  • Fresh Scoops
  • Ice Seguerra, iniisip sumailalim sa sexual reassignment surgery

Ice Seguerra, iniisip sumailalim sa sexual reassignment surgery

Ice Seguerra on considering SRS: ‘It’s so hard to wake up everyday, seeing that you’re in this body.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/22/2018 8:30 AM
Ice Seguerra, iniisip sumailalim sa sexual reassignment surgery


 

Sa Tonight with Boy Abunda, ipinaliwanag ni Ice Seguerra kung bakit siya nagdesisyon na palitan ang pangalan niya mula Aiza sa Ice. “As time goes by, alam mo yung pag tinatawag kang Aiza parang iba na, hindi na ikaw yun. I’ve always responded well to Ice kasi yun naman yung nickname ko sa school, sa barkada. Sabi ko I’ll just use that kasi mas comfortable na ako na Ice. Kasi Aiza naalala ko, naka-pigtails and everything. Siguro, it’s part of really embracing my identity.”

Tinanong rin kung willing siyang mag-undergo ng sexual reassignment surgery at ito ang sagot ni Ice: “I’ll be very honest. Nung una nandun din ako sa parang, bakit kailangan. Pero alam mo Tito Boy sometimes, especially nung nag-come out na ako as trans. It’s so hard to wake up everyday, seeing that you’re in this body, and alam mo yung pakiramdam na hindi naman ito dapat yun.”

Sinabi rin daw niya ito sa kanyang wife na si Liza Diño at nung una daw hindi rin ito maintindihan ni Liza. Nasabi daw ni Liza kay Ice na, “Tinatanggap naman kita e. For me, you’re a man.” Pero ang sagot naman ni Ice kay Liza ay, “It’s not about that. I mean I thank you for accepting me. But the problem is me accepting me.”

Inamin din ni Ice na nasa transition stage pa lang siya. “Nasa transitioning pa lang, nasa hormone replacement ganyan.”

Isa sa mga konsiderasyon ni Ice sa tuluyang pagpapalit ng gender o sex ay ang kanyang boses. “Pinakamalaking issue talaga diyan is yung boses. People love what they hear sa akin. It’s a big risk. This is my bread and butter. I feed my family sa pagkanta ko e. Siguro naman yung ganda ng boses hindi mag-iiba, bababa siya ng konti and all those things.”

Isang aspeto rin daw na kailangan bantayan ang kalusugan. “Tapos of course, yung health aspect naman. I’m just happy the first gender diversity center opened, so at least may doctors na to talk to about this. Maybe that’s the first step.”