Andi Eigenmann, magbabalik pelikula sa The Maid in London

Balik pelikula muli si Andi Eigenmann matapos ang kanyang pansamantalang pamamahinga sa showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/22/2018 4:15 PM
Andi Eigenmann, magbabalik pelikula sa The Maid in London


Photo credit: @andieigengirl on IG

 

Balik pelikula ngayon ang aktres na si Andi Eigenmann para sa kanyang upcoming movie na The Maid In London.

Kasama ni Andi rito sina Alexis Navarro, Joshua De Guzman, Polo Ravales at Matt Evans. 

Huling gumawa ng pelikula si Andi noong 2016 para sa hit movie na Camp Sawi.

Kuwento ni Andi sa media conference ng kanyang movie, hindi niya tinalikuran ang pag-arte na taliwas sa kanyang naging social media post noon.

Read: Why Andi Eigenmann left showbiz

“I didn’t quit. Sobrang confusing kasi I did an interview in a TV show. (CNN Philippines) talked about me, just wanting to give myself another chance like to ‘do me’ and I said ‘I wanted to quit and get out of the showbiz life’ but it didn’t necessary (mean) to quit the life of an actor,” dagdag pa ni Andi. 

Paliwanag ni Andi, binigyan lang niya ng break ang sarili para gawin ang mga bagay na kanyang gustong gawin.

“Parang it’s just to know who I am and to know what I want and where I wanna be in life, and to give myself a chance to focus on life.” 

Aminado rin si Andi na napagod siya na laging pinag-uusapan ang kanyang buhay sa social media.

“And parang being on showbiz, ‘yung buhay mo kailangan pa mapag-usapan, or maliit na galaw mo lang or ganyan, laging may kasalanan ako or something, ‘yung mga ganung bagay.” 

At sa kanyang pagbabalik pelikula naman, ayon kay Andi game pa rin siya na bumalik ng Maynila para tumanggap ng showbiz commitments.

“Depende po. If ever po may offers para gumawa ng certain na pelikula, game naman po ako para doon pero for now, hindi na po ako taga-Manila, taga Baler, Aurora na po ako,” sambit pa ni Andi.

“I’m here. I’m back in Manila to help and support the movie also but I’m just visiting,” pahayag niya. 
 
Mapapanood ang The Maid In London ngayong July 4, 2018 sa direksyon ni Dani Ugali.