• Home
  • Fresh Scoops
  • Acting ni Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, pinuri ni Direk Richard Somes

Acting ni Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, pinuri ni Direk Richard Somes

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

6/22/2018 9:47 AM
Acting ni Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, pinuri ni Direk Richard Somes


 

Larawan ng malapit na magkaibigan sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome sa kanilang upcoming movie na Cry No Fear ng Viva Entertainment.

Aminado sina Donnalyn at Ella na ngayong tapos na ang kanilang pinaghirapan na proyekto ay mami-miss nilang magkasama ang isa’t isa.

“Mas naging sobrang close po kami as in parang best friends-sisters na nagdadamayan nagtutulungan,” sabi ni Ella.

“Oo para na po kami talaga magkapatid,” sabi naman ni Donnalyn.

Pinuri naman ng direktor ng pelikula na si Richard Somes ang kanyang mga lead actress. Ayon kay Direk Richard, kahit na bago sa kakaibang roles sina Ella at Donnalyn ay maayos nilang nagawa ang mga eksena.

“Sa simula pa lang ko sila makilala, nakita ko agad yung rawness at aggressiveness nila na gawin yung film despite na marami mga requirements in terms of physicalities, emotional, and also mental,” pahayag pa Direk Richard.

At ngayon na napapanuod na ang Cry No Fear, pakiusap nina Ella at Donnalyn na huwag maging spoiler sa ending ng kanilang movie.

“Sabihin ninyo na lang kung ano na feel niyo. Na-tense, na-excite, kinabahan din ba kayo? Wag na kayo mag spoil para abangan din ng lahat kung ano mangyayari sa ending.”

Aabangan ba talaga ng mga manonood ang ending?

“Yes! Lalo na ang last scene na yun!” sabi pa nina Ella at Donnalyn.