• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre on ‘Ulan’ movie without James Reid: ‘Dito ko po talaga malalaman kung kaya ko ba ng wala siya’

Nadine Lustre on ‘Ulan’ movie without James Reid: ‘Dito ko po talaga malalaman kung kaya ko ba ng wala siya’

After ‘Never Not Love You’ ng JaDine, going solo muna si Nadine Lustre para sa isang movie project.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

6/21/2018 10:50 AM
Nadine Lustre on ‘Ulan’ movie without James Reid: ‘Dito ko po talaga malalaman kung kaya ko ba ng wala siya’


Photo credit: @james (R) on IG

 

Pagkatapos ng maraming project kasama ang ka-love team na si James Reid, going solo muna ngayon ang aktres na si Nadine Lustre para sa kanyang upcoming movie na Ulan.

Bibida si Nadine kasama ang mga actors ng Viva Artist Agency na sina AJ Muhlach, Marco Gumabao, at Xian Lim. 

Kuwento ni Nadine sa naganap na story conference, ibang karakter ang kanyang gagampanan sa project na ito ng Viva Films.

“Maraming pagbabago sa character ko, based on experiences (on story),” bungad ni Nadine/

Ayon pa kay Nadine, nagustuhan niya agad ang role nang una itong ialok sa kanya ni Direk Irene Villamor na kakagaling lang sa blockbuster success ng Sid and Aya (Not A Love Story).

“Yes (it reflects) on a lot of things, actually last year pa ‘to, ‘di ba Direk? (addressing the director at the said story conference) Last year pa kami nag-meeting about this and yung story kasi gustong-gusto ko siya, it’s more self love,” sambit pa ni Nadine.

Aminado si Nadine na bagong opportunity ito para sa kanya na hindi makakasama sa isang proyekto ang real life partner na si James Reid.

 “It’s new, parang bagong stepping stone siya para sa akin kasi nga this time hiwalay kami ni James. Dito ko po talaga malalaman kung kaya ko ba ng wala siya (laughs). Joke!” pabirong pahayag ni Nadine.

Aniya, pagkakataon ito para sa sa kanila na mag-grow pagdating sa kani-kanilang careers.

“I mean it’s healthy to be able to work separately and to work together at the same time. At least we both grow together and [get] to work separately,” sabi pa ni Nadine.

Looking forward din daw si Nadine na makatrabaho sa movie project na ito si Direk Irene.

“It’s big thing for me to be able to work with Direk Irene, kasi nga yung mga naging project niya before. And I’m really, really excited talaga kasi maganda talaga yung story.”