• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz, inaming ‘faithful boyfriend’ si Julian Trono sa kanya

Ella Cruz, inaming ‘faithful boyfriend’ si Julian Trono sa kanya

Ella Cruz at Donnalyn Bartolome, may inamin tungkol sa kani-kanilang love life.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

6/21/2018 8:39 AM
Ella Cruz, inaming ‘faithful boyfriend’ si Julian Trono sa kanya


 

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Donnalyn Bartolome na super fan girl siya ni Anne Curtis. “Today yung anniversary ng first time naming nagkita.” Hindi rin daw siya nakapanuod ng premiere ng Sid and Aya (Not A Love Story) dahil nagbabantay siya ng mga kapatid niya kung kaya, “mga two to three days po akong nagluksa. So pinanuod ko na lang po.”

Paano nagsimula ang paghanga ni Donnalyn kay Anne? “Babe I Love You po. I remember parang lost teenager ako nun. Alam niyo po yung may galit sa mundo. Yung lagi lang nasa bahay ayaw sumama sa parents ganun. Tapos napaunod ko siya sa Babe I Love You...” Dahil daw dito ay narealize niya na, “hindi pa end of the world.”

Sa parehong interview, ginulat naman ng host na si Boy Abunda si Ella Cruz nang bigla niyang tanungin kung “faithful boyfriend” sa kanya ang ka-love team na si Julian Trono. “Boyfriend?!” Pero hindi rin siya nakatanggi at inamin niyang, “A... yes po.” Nagreact naman agad si Donnalyn at sinabing, “first time niyang nasabi yan.”

Tinanong rin si Donnalyn kung may relasyon sila ni Bret Jackson at ang sabi niya, “nasabi lang ni Bret na dati may crush siya sa akin.”